Saturday 13 January 2024

𝑴𝑨𝑰𝑲𝑳𝑰𝑵𝑮 𝑲𝑼𝑾𝑬𝑵𝑻𝑶

 



Alinlangan

ni Athena Nicole Ablang


May isang magandang babaeng mag-aaral ng GMATHS na nagngangalang Mira, Isang araw, ina ya siya ng kaniyang kaibigan na nag-aaral sa ibang paaralan na pribado na hindi rin kalayuan sa kaniyang pinapasukan.

“Mira, Tara at may magandang kapehan sa San Gabriel!” Sambit ni Minea, na agad niya namang inayunan. Nang siya ay naroon na, laking gulat niya na may kasamang ibang kaibigan si Minea, may isang isang lalaking nakaupo sa gilid, “Hi! Lukas po!” Sambit nito na nais makipagkamay na tinugunan rin ng pagpapakilala ni Mira, habang sila ay nagkukwetuhan ay halata sa mga mata ng dalawa ang lalim ng tinginan sa isa’t isa. Nang sumunod na araw, nagkitang muli si Minea at Mira, doon ay sinabi ni Minea na may pagtingin si Lukas kay Mira. “Baka pareho lang sila ni Gavin, ang kaibigan niyang hindi marunong manindigan sa mga salitang binibitawan” sambit ni Mira na may pag-aalinlangan. Hindi nagtagal ay unti-uniting nanaig ang pag-ibig na nararamdaman sa binata, hanggang sa nagteks si Lukas sa dalaga para magkaroon ng komunikasyon na unti-unting ikinaayos ng kaniyang pananaw.



Ang Lihim na Pag-asa

ni Antonette Aninacion


Sa isang malayong baryo na lupaing sakop ni Don Anton, may isang mag sasaka na nag ngangalang Marko. Si Marko ay isang masipag at matulungin na mag sasaka, siya ay nag tatrabaho sa palayan ni Don Anton. Si Don Anton ay isang malupit na amo sa kaniyang mga tauhan, siya ay strikto at mapang-api sa kaniyang kapangyarihan. Sa kabila nang hirap ng buhay at hirap na dinaranas ni Marko sa kamay ni Don Anton, nananatili pa rin itong positibo at puno ng pag-asa na balang araw ay makalaya na sila sa pang-aapi ng kanilang amo. Nag karoon ng malalim at matagal na tag tuyot, nag dulot ito ng matinding kahirapan sa baryo. Dahil sa kahirapang hinaharap ng baryo, mas pinahirapan ni Don Anton ang mga mag sasaka. “Mag saka kayo nang mag saka! Huwag kayong uuwi na hindi puno ang mga sako niyo!” ani ni Don Anton. Napapunas nalang ng pawis si Marko at huminga ng malalim sabay sabing “Masusunod po, Don Anton.” Isang araw, nabalitaan ni Marko na nag karoon ng malubhang sakit ang nag iisang anak ni Don Anton na si Carmel dulot ng kakulangan sa pagkain. Pinuntahan ito ni Marko at nakita ang kalagayan ng dalaga, napag pasiyahan ni Marko na ilapit ito sa kaniyang ina na si Inang Maria na isang mang gagamot. “Inay, maari niyo po bang gamutin ang anak ni Don Anton?” Nag tataka itong tumingin sa kaniya at nag tanong “Bakit? Bakit mo pa sila tutulungan sa gitna ng pag papahirap sa iyo ni Don Anton?” Sandaling nanahimik si Marko “Gusto ko lamang makatulong sa abot ng makakaya ko, inay” ani niya. Napabuntong hininga na lamang si Inang Maria at agad na ginamot ang dalaga. Hindi ito alam ni Don Anton. Makalipas ang ilang araw, ipinawatag ni Don Anton si Marko sa kaniyang tanggapan. Noong una ay natakot si Marko ngunit nanatili siyang positibo dahil alam niya sa sarili niya na wala naman siyang ginawang masama. Pag karating ni Marko sa tanggapan ni Don Anton, yumuko ito at bumati “Magandang araw ho, Don Anton. Ipinatawag niyo raw ho ako?” Naestatwa si Marko sa sunod na ginawa ni Don Anton, lumapit ito sa kaniya at niyapos ito “Nabalitaan ko ang pagtulong mo na pagalingin ang aking anak na si Carmela. Maraming salamat sa ginawa mo, Marko. Akala ko ay hindi na kakayanin ni Carmela.” Maluha-luhang saad nito “Napaka laking utang na loob ang mayroon ako sa iyo dahil kung hindi dahil sa iyo ay baka wala na ang aking nag iisang anak” saad ni Don Anton. Nabigla at sandaling napatahimik si Marko. Pag karaan ng ilang minuto ay nag salita ito “Walang anuman, Don Anton. Ginawa ko lamang kung ano ang tama sa abot ng aking maitutulong.” Kapalit ng ginawa ni Marko kay Carmela ay naging mabait na ito at nang hingi ng kapatawaran si Don Anton sa kaniyang kalupitan. Dahil dito, nakamit na nila Marko ang kalayaan sa pang-aapi at namuhay na ng matiwasay.



The Multiverse of Dream

ni John Lloyd Babaran


Naglalaro si Luffy ng online video games sa loob ng kanilang bahay na’ng bigla itong antukin at nag pasya na itong matulog, nagising ito sa liwanag  sa hindi kilalang mundo. Nalilito man ay nag hanap siya ng mapagtatanungan. Nang makita niya si Cid na nag lalakad nagtanong siya ngunit hindi ito nakinig at sinimulan siya nitong atakihin. Alam niya na hindi niya ito kayang talunin kaya siya ay tumakbo hanggang sa makarating sa isang paaralan kung saan niya nakita si Miyamura.

“Sir mukang nalilito kang napadpad dito maari ko bang malaman kung bakit?” ani ni Miyamura.

“Anong lugar to? Nasaan ako?” Tanong ni luffy.

 “Tubig sir, kumalma kayo at mamaya ay ipapaliwanag ko ang lahat,” ani ni Miyamura. Nang kumalma ito ay nag simulang ipinaliwanag ni Miyamura ang lahat. Kalaunan ay natauhan si Luffy.

“Kung ganon ang gusto mong sabihin ay kailangan pa natin talunin ang taong yon?” ani Luffy.

“Oo tama ka sa sinasabi mo,” tugon naman ni Miyamura.

"Ang taong namamalakad sa lugar na ito ay si Cid at kailangan natin siyang talunin upang maka uwi at kasalukuyan tayong nasa panaginip na ito?" tanong ni Luffy.

“Oo tama ngunit bago tayo nag simula ay kailangan natin mag plano upang mapag tagumpayan natin ito” ani Miyamura.

“Mahina sya sa close range combat at malakas naman sa long range combat” dagdag pa nito

“Kung ganyan lang din naman sakto at malakas ako sa close range combat” ani Luffy

“Ngunit paano ako lalapit sakanya kung malakas siya sa long range mahihirapan ako kung nag kataon," ani Luffy

“Alam ko nalilito sya sa dalawang kalaban kaya sa ganoong paraan ay ako mismo ang mag sisilbi mong pain at ikaw na ang bahala umatake sa likod nito," payo ni Miyamura.

 

Katulad ng plano ay nag tagumpay and dalawa ngunit may kakaiba sapagkat ang sinasabing mundo ay hindi parin nawawala kaya naman may mali sa kanilang ginawa. 

“Hindi ako ang tunay na kaaway at namamalakad sa lugar na ito dahil siya mismo, siya and kaaway mo, siya ang tunay na kaaway," bulong ni Cid kay Luffy.

“Tama siya! HAHAHAHAHA nahulog ka sa bitag,isang patibong na makaka tulong saakin mismo upang matakpan at maharangan ang isang tao na sasagabal sa aking mga plano at siya yon. Siya ang naka sagabal sa mundo ng panaginip na aking ginawa at patuloy na ginagawa at ngayon wala kang pag pipilian kundi ang manatili sa lugar na ito sapagkat tinulungan mo na ako. HAHAHA! Tumulong ka! Tumulong kang talunin sya at ngayon wala kang magagawa laban sakin,” sigaw ni Miyamura.


Habang patuloy sa pag sasalita si Miyamura ay kinuha ni Cid ang espada na nahulog sa laban nila kanina. Mahinahon at dahan dahan akong lumapit. Sinaksak ni ito ni Cid sa likod niya hanggang sa tuluyang itong manghina at bumagsak sa lupa.

'Napansin ko na tila ba ay may anino na dahan dahan lang sa pag lalakad kaya habang patuloy sa pag sasalita si Miyumara ay patuloy din ako sa pag sagot nang biglang may lumabas na espada sa dibdib ni Miyamura,' isip ni Luffy.

 

Nang bumagsak ang namamalakad sa panaginip na ito ay unti unti na ring nasisira at nagugunaw ang sinabing mundo ng panaginip. Isang mundo kung saan ay pinipili ang mga taong ikulong dito upang ang masabing pekeng mundo ay tuluyang maging totoo sa paningin ng mga taong nasa loob nito.

“Bakit moko inatake nung sinubukan kitang kausapin?” tanong ni Luffy kay Cid.

“Sapagkat kung sino-sino na ang pinadala nya upang subukin akong patayin,” sagot naman nito.

“Kung ganon, ipagpaumanhin mo ang aking ginawang pag atake sayo,” paghingi ng tawad ni Luffy.

 “Ayos lang iyon sapagkat nagkaroon din ako ng pagkakataon na atakahin siya sa maliit na oras na naibigay mo. Nagtagumpay nako at makakaalis na sa mundong ito. Kaya naman bago tuluyang masira ang mundong ito ay maaari na tayong magpaalam sa bawat isa,”ani Cid.

“Paalam at salamat dahil sa wakas ay makaka alis na ako sa mundong ito,” dagdag pa nito.

“Salamat at pasensya narin sa sapagkat mali ako ng napagkatiwaalan. Ngunit dahil nagawa mo na ang dapat mong nagawa at nanalo sa taong tagapamalakad ay magpapaalam na rin ako.”



Ang Lihim ni Bella 

ni Mara J Barandino 

 

Sa isang malayong lugar na kung tawagin ay Barangay Indayong ay may naninirahang mag-ina na pinaniniwalaang mahiwaga dahil sa anak nitong kung tawagin ay Bella. Si Bella ay 18 taong gulang at siya ay may busilak na kalooban. Kasingputi ng kalangitan ang kaniyang balat at may matangos din siyang ilong. Pero sa lahat ng biyaya na kaniyang tinatamasa ay may lihim din siyang pinakaiingatan .

Magdadapit hapon na ng makauwi si Aling Lorna galing palengke. "Inay bakit ngayon lamang po kayo?" tanong ni Bella. Habang inaabot sa kaniya ang dalang basket ng kaniyang ina , "Pasensya na anak at ngayon lamang ako naka uwi. Nagkita kasi kami ng kumare ko at napasarap ang aming usapan. HIndi ko namalayan na mag-gagabI na pala".

"Ah, ganon po ba Inay? Sige po magpahinga muna kayo at ako na po ang magluluto ng ating hapunan," anang ng dalaga habang naghihiwa ng gulay .

At nang kinagabihan nga ay sabay na pinagsaluhan ng mag ina ang kaunting pagkain na niluto ni Bella na tamang-tama lamang sa kanilang dalawa .

Sa kalagitnaan ng kanilang pagkain ay may narinig si Bella na kumakatok sa kanilang pintuan. "Tao po," wika ng kung sino sa labas. Agad namang tumayo sa pagkakaupo si Bella upang pagbuksan ang taong kumakatok sa kanilang pintuan. 

"Oh, Shela, Bakit ka nandito? At kasama mo pa si Carlo?" tanong ng dalaga. 

"Naparito kami upang yayain ka sana namin na manood ng sayawan sa Plaza," wika ni Shela.

"Gustuhin ko mang sumama ngunit hindi ako papayagan ni Ina. Pero susubUkan ko na magpaalam," sagot ng dalaga.

Habang nagliligpit ng pinagkainan ang dalaga ay sinubukan nitong mag paalam sa kaniyang ina.

"Ina, maaari po bang sumama ako kina Shela upang manood ng sayawan sa plaza? Huwag po kayong mag-alala Inay. Uuwi din po ako agad," dugtong ng dalaga.

"Bella hindi naman kita pinagbabawalan kung gusto mo talagang pumunta sa plaza upang manood  ng sayawan. Ang akin lang ay paano kung doon ka abutan ng-", hindi paman natatapos ang sasabihin ni Aling Lorna ay agad na nagsalita ang dalaga.  

"Ina babalik po ako agad pangako po. Alam ko naman po kung ano ang puwedeng mangyari sa akin kapag hating gabi na at nasa labas pa ako," usal ng dalaga.

"Kung ganon wala na nga akong magagawa kundi ang payagan ka. Mag-ingat ka na lamang lalo na hindi mo ko kasama," usal ng ina ng dalaga .

Agad namang niyakap ng dalaga ang kaniyang ina sa labis na saya.

Pagdating sa Plaza, namangha ang dalaga nang makita niya ang naggagandahang dekorasyon sa paligid at ang mga taong nagsasayawan habang nagtatawanan.

"Ngayon ka lang nakakita ng mga ganitong sayawan no?" tanong pa ni Carlo.

" Oo, madalang lang naman akong payagan ni Inay sa mga ganitong sayawan," may ngiting sagot ng dalaga. Habang masayang nanonood ang dalaga ay nakalimutan niyang maghahating gabi na.

"Bella pwede ba tayong mag-usap?" ani Shela.

Agad namang pumunta ang dalaga sa gilid ng Plaza upang makipag-usap kay Shela.

"Shela, bakit pala tayo dito nag-usap? Madilim dito at malayo sa mga tao," tanong ng dalaga. Nabigla ang dalaga nang sampalin siya ni Shela.

 "Ang landi mo! Bakit mo inaagaw sakin si Carlo?!" pagalit na sabi ni Shela.

"Shela, hindi ko inaagaw si Carlo sayo," sagot ng dalaga.

"Sinungaling ka! Nakita ko kayo kanina ni Carlo na nag-uusap," galit na sambit ni Shela.

"May sinabi lamang siya sakin. Kaibigan ko lang si Carlo! Shela maniwala ka sakin," paiyak na usal ng dalaga.

Tangkang sasampalin pa sana ni Shela ang dalaga ngunit mabilis nitong nahawakan ang kaniyang kamay. Laking gulat nito nang makita ang dalaga na nag-iiba. Namula ang mga mata nito habang nag-iba ang kulay ng buhok na naging puti na kanina lamang ay itim at humaba ang mga ngipin nito.

"Sinabi ko na sayo na walang namamagitan sa amin ni Carlo," pagaralgal na usal ng dalaga. 

Sa takot ni Shela ay napasigaw ito nang malakas na siyang nakakuha ng atensiyon ng maraming tao. Siya naman itong pagkaripas ng dalaga nang napakabilis.

Kinaumagahan, nagkalat ang balitang bampira raw ang dalaga. Nagtipon-tipon ang maraming tao sa barangay. Agad na pinuntahan ng mga tao ang bahay ng dalaga pero bigo silang makita ang mga ito dahil tumakas na noong gabing iyon ang dalaga at kaniyang ina. Wala ni isa sakanila ang nakakaalam kung saan nga ba pumunta ang mag-inang Lorna ar Bella.



Museo

ni Mark Kevin Capati

“Gyu,” tawag ko.


“Yes, Won?” sagot niya.


“Naniniwala ka ba sa afterlife?” Tanong ko


Tiningnan niya ako ng may mahinahong ngiti, ang kanyang mga mata ay kumikinang ng init at pagmamahal. Hinawakan niya ang aking kamay at hinagkan ito ng marahan.


“Hm..Hindi ko alam, mahal. Pero kung ibig sabihin nito ay makikita kita ulit, gusto kong maniwala" nakangiting sagot niya.


Naramdaman ko ang isang bugso ng damdamin sa aking dibdib, isang halo ng pasasalamat at takot. Gratitude for having him in my life, takot na mawawala siya balang araw. He was my everything, my Gyu. 


“Luh, pinapakilig mo ako!” tumatawang sagot ko


Tumawa siya at yumakap sa akin. 


“Hey, I love you,” wika ni gyu habang nakayakap. 


Yinakap ko siya at bumulong pabalik.


“Mahal din kita,” bulong ko


Lahat ng bagay sa pagitan namin ay naging perpekto.

Mula sa mga nakaw na tingin,

Hanggang sa mga pinagsamang tawa

Bawat sandali ay parang isang pahina na hinugot mula sa isang kuwentong pambata.

Ang mga araw ay naging isang malabong pagdalaw sa ospital at mga bulong na pangako.


“Gyu, pangakuan mo ako ng isang bagay.” sambit ko habang naiyak.


“Anything, mahal.” nanghihinang sabi niya


“Pangakuan mo ako na kahit ano ang mangyari, makakahanap ka ng paraan na bumalik sa akin.” saad ko habang umiiyak.


Tiningnan niya ako ng may seryosong ekspresyon, ang kanyang mga mata ay puno ng determinasyon at pag-ibig. “I promise,” bulong niya habang unti-unting pag bagsak niya.


Ilang buwan na ang nakalipas mula nang iwan niya ako, ilang buwan na mula nang bulungan niya ako ng huling pangako sa aking tainga.

“I promise.”

  “I promise.”

   “I promise.”

    “I promise.”

     “I promise.”


Sa mga buwang iyon, madalas akong bumisita sa aming paboritong museo, our sanctuary.

At bawat beses, umaasa ako laban sa pag-asa na ngayon ang araw, na sa isang paraan, matutupad niya ang kanyang pangako. Ngunit, ang banal na mga pasilyo ng museo ay nanatiling walang kanyang presensya.

Namimiss ko ang iyong ngiti

Ang iyong mga mata

Ang paraan na pinagtatawanan mo ako tungkol sa aking pagkahumaling sa lugar na ito

Pangako mong makikita mo ako, kaya maghihintay ako.

Maghihintay ako sa iyo kahit gaano katagal.

Kaya, bumalik ka sa akin.


Ito ay isang bagong araw at nadama kong bumalik sa museo na madalas kong pinupuntahan. Sa partikular na araw na ito, nag-atubili ako sa pasukan, ang aking puso ay tumitibok ng may halo ng pag-asa at takot. At doon, sa gitna ng mga mahinahong bulong ng mga turista. At ang malambot na alingawngaw ng mga hakbang…Nakita ko siya. My Gyu.  Pinilit kong lumapit, ang aking mga hakbang ay nag-aatubili. Maaari ba itong totoo?


“Alam kong makakahanap ka ng paraan na bumalik sa akin, gyu.” Sabi ko na may teary eyes


Humarap siya at tiningnan ako ng may naguguluhan na ekspresyon. Ang kanyang mga mata ay pareho ng kulay ng kanya, ngunit kulang ang ningning na labis kong minahal. Ang kanyang mukha ay katulad, ngunit hindi magkatugma. Ang kanyang boses ay iba, mas malamig.


“Sorry, sino ka?” takang tanong nito sa akin


Lumubog ang aking puso nang malaman ko ang katotohanan. He’s not the Gyu that I know. Siya ay isang estranghero na nagkataong kamukha niya. Isang malupit na biro ng tadhana na naglaro sa aking mga pag-asa at pangarap.


Naramdaman ko ang mga luha na tumusok sa aking mga mata habang umuurong ako mula sa kanya. Hindi siya si Gyu. And will never be. 





REYALIDAD

ni Jillian Calventos

Isang malakas na pag-ulan ang nagparamdam sa bayan ng San Pedro na siyang nging dahilan ng pag gising ng pamilya francia. "Hala! Umuulan?" biglaang sambit ni Gabia, ang panganay na anak ng pamilya francia, siya'y labing walong taong gulang na kung kaya't siya'y abala at pinaka inaawayan ng kan'yang ina na si Ley "Mahal" bulong ng ina sa kaniyang asawa na si Ramon. "Alas kwatro na ng umaga gising na, at mag asikaso na dahil baka mahuli ka nanaman sa trabaho gaya noong isang araw na napagalitan ka ng boss mo" dagdag pa nito, " Eto na babangon na" sagot naman ni Ramon. Sa pagiging abala ng mag-asawa sa paghahanda, dakong ala sais ay sinimulan naring gisingin ng panganay na si Yuki at Iyel. Si yuki ang pangalawang kapatid na sumunod kay Gabia at si Iyel naman ang bunso. Si Yuki ay katorse anyos samantalang si Iyel naman ay pitong taong gulang pa lamang.

Agarang nagtungo ang tatlong magkakapatid sa hapagkainan upang pagsaluhan ang hinandang almusal ng kanilang ina, mainiy na pandesal na may palamang kesi, at mainit na gatas na sakto sa malamig na panahon. "Ang sarap sa tenga ng patak ng ulan, ate" sambit ni Iyel sa ate niyang si Gabia. "Sana'y lagi na lamang naulan dahil para ako nitong hinehele" dagdag pa nito na may ngiti sa kaniyang mga labi. Nang matapos na silang kumain ay agad na nagligpit si Gabia ng kanilang pinagkainan at hinugasan ito.

Aksidenteng nabuksan ng bunsong si Iyel ang telebisyon kung kaya't bumungad sa kaniya ang napapanahong balita. "Ika 15 ng septyembre taong 2023, binulabog ng malakas na sunog ang mga mamamayan sa zambales, mabilis nq kumalat ang apoy sa magkakalapit na bahay dito" wika ng tagapagbalita sa telebisyon. Matapos ang patalastas ay biglang sulpot nanaman ng isa pang balita. "Isang krimen ang nangyare sa bayan ng San Jose, isaang dalagitang binaril ng mga armadong lalaki sa hindi maipaliwanag na dahilan" wika muli ng tagapabalita. Labis ang pagkagulat sa mukha ng paslit na si Iyel dahil sa mga narinig at nakita sa telebisyon. "Isang pagnanakaw ang nangyare sa pabrika ng carmona, labis ang pagkalugmok ng may ari nito dahil bukod sa pagnanakaw ay sinira pa ang ibang gamit dito" wika muli nito. "Anong nangyayare, nay?", "Totoo po ba ang sinasabi sa balitang 'yan? Akala ko po ba payapa at masaya lang ang mundong ginagalawan natin?" malungkot at nag aalalang tanong ni iyel sa kaniyang Ina. Agarang pinatay ng ina ang telebisyon upang hindi na makarinig pang muli ng negatibong balita ang kan'yang bunsong anak, hindi maipaliwanag sa mukha ng ina ang kan'yang nararamdaman, 'di niya malaman kung paano niya maipaliliwanag sa kaniyang anak ang mga napanood nito sa telebisyon. "Bunso, tumingin ka sa mga mata ni ate, ang mga balitang iyong natuklasan ay totoo, gan'yan talaga ang nangyayare sa kapaligiran na hindi inaasahan ng lahat, ayan ang reyalidad sa mundong ating ginagalawan, hindi puro saya lamang. Ang pangyayaring 'yan ay dulot din ng kahirapan na atin ding nararanasan minsan" pag singit ni Gabia dahil nararamdaman niyang hindi batid ng Ina kung paano niya ipapaliwanag ang nangyare sa kaniyang bunsong si Iyel. Bakas sa mukha ni Iyel ang pagtataka habang nakatulala at naguguluhan. Naguguluhan man ang bata ay wala sa isip na tumingin ito sa kan'yang Ina. "May mga gano'n talagang nangyayare, anak. Hindi lang ito nagaganap sa lugar natin dahil tayo ay may maayos na pinuno na hindi hahayaang mangyare ang mga gano'ng pangyayare" wika ng kan'yang Ina. napalitan ng ngiti ang nagtatakang mukha ng batang si Iyel dahil naging kampante siya na hindi nila mararanasan ang mga napanood niya sa telebisyon.



Espeyal na Sapatos

ni Armia Capellan

Si Amelia ay isang elementary student na nag aaral sa baitang na grade six, siya ay masipag na bata; dumating man ang tag-ulan ay sikap niyang nilalakad ang kanilang eskwela na hindi tutuusing dadaan pa sa dalawang bundok. Sila ay mahirap lamang at nag bubukid, pumanaw na ang nanay niya kaya naiwan siya kasama ng kaniyang ama. At dahil nga't hindi ganon kaayos ang sistema ng probinsya; nag pupursige si Amelia sa pag susunog ng kilay para maiahon ang pamilya sa hirap.

Pag kauwi ng bahay hindi inakala ni Amelia ang kaniyang ama namay hawak hawak na ligaro para sakaniya, nakabalot ito sa kahon at surpresang inbot sa kaniya.

"Wow,"

Ang ngiti ng mag ama ang nangibabaw.

"Regalo ko sayo 'nak. Aral mabuti ahh" tatay.

 "Salamat po itay!!"

Niyakap ni Amelia ang papa niya at kilalaunang din' binuksan ang kahon, para masilayan lamang ang regalo sa kaniya.

 Ano kaya ito?

 "Sapatos!!" Hindi makapaniwalang reaksyon ni amelia, nag tatalon na siya sa tuwa.

"Maraming salamat po itay!! May magagamit na akong bago sa nasira kong tsinelas!!"

"Walang anuman 'nak, pag pasensyahan mo na ahh at ayan lang ang nagawa ni tatay, dahil nga't kailangan ko rin' bantayan ang bukid."

"Ano kaba tay, ang ganda nga po ng sapatos na ginawa niyo sakin. Tignan mo po oh kas'yang-kas'ya."

Dumating ang kinabukasan, isang magandang umaga kay Amelia na ibahagi sa kamag aral niya ang gawa ng kaniyang ama na sapatos. 

Ngunit hindi maganda ang kinalabasan nito, umuwing umiiyak ang dalaga sa kanilang tahanan. Mula sa pag bagsak ng pintuan dama ng ama ang nararama ng kaniyang anak. Nasilayan niya din ang nasira niyang gawang sapatos, hindi na kataka-taka sa haba ng nilalakad niya na magiging sanhi talaga ng pag kasira.

Kaya't muli, pag sikat ng umaga lumabas na si Amelia sa kaniyang silid.

Hindi naman inaasam ng tatay na bigla- bigla na lang nitong hampasin ang iapapakita niya sanang na ayos na sapatos, bago ang gawa sa swelas nito talagang pinag paguran.

 "Hindi ko na po iyan susuotin." Himaltok niya sa inis.

"Bakit naman anak?" Taka ng ama, ibinaba ng sapatos sa tabing divider at hinawakan sa balikat ang anak.

"May problema ba, na hindi ko nalalaman?"

"Opo eh," Amelia.

Alam niyang masasaktan ang loob ng tatay niya sasabihin niya ngunit hindi nan nito malalaman kung hindi niya sasabihin hindi ba?

"Sabi nila hindi daw bagay saakin, pinag tatawanan nila ako sa hallway subalit nga't nakaaiba ang itsura ng sapatos ko."

"Sino nag sabi?" Taka ng ama sa sinapit ng kaniyang unica hija, lalo na sa ambu-bully ng kamag aral.

" Sabihin mo saakin"

Masakit man sa realidad na kailangan mo pa ng magandang katauhan, gamit o dikaya ay mukha ay duon ka lamang matatanggap ng ilan. Lahat na lamang ay bumabase sa standards at iba ang pisikal na kaanyuan.

Hindi ba pwedeng tanggapin ka nalang sa kung ano ka?, sa kung natural na katayuan mo at hindi mo na kailangan pag mag adjust.

Bakit hindi nalang sila umanawa kaysa sa manghusga?

"Tay, wag na ho." Ani ni Amelia. " Sapatos ko lang naman po ang kanilang nasira. Ngunit totoo po ba na hindi ito bagay sa akin?"

"Nauunawaan kita anak, ngunit ang mga sinasabi nila. Ay hindi na mahalaga pa, para saakin ay nararapat iyan sayo subalit nag pupursige ka sa pag aaral at para rin maging ligtas ang paa mo sa tatahakin mo sa gubat, nauunawaan ko ang panibagong tradition ngayon ngunit hindi ito sa anyo anak ."

Niyakap ni Amelia ng kaniyang ama. Maunawain at mapag mahal na anak si Amelia, kaya't gagawin niya lahat ng makakaya niya upang mapasaya lang ang ama niya. At ayun ang maging kuntento.

Natapos na sa pag kain si Amelia, at handa na muli siyang lumarga..

"Salamat sa sapatos itay!!"

"Espesyal na sapatos, para sa anak kong si Amelia. Mag ingat ikaw ah."

"Opo itay!!"



Biglang Liko

ni Chyna Casakit


Isang malamig na araw, naghihintay si Mavis sa cafeteria, hinihintay niya ay kaniyang mga kaibigan na dumating, sunod-sunod na dumating ang kaniyang mga kaibigan na sina Clei Gravity, Marinelle, at Martha. Lumipas and mg ailing minute at natapos na silang kumain at nadesisyon na bumalik na sa kanilang classroom, magkaklase nilang apat. Matapos na ang kanilang klase at naunang lumabas si Mavis dahil siya and presidente ng klase nila at kailangan niyang pumunta sa facultry upang makipag-usap sa kaniyang niyang guro na si Prof. Darlene, kaibiga ni Mavis and professor kaya mas komportable makipag-usap si Mavis kay Prof. Darlene. Nag-usap and dalawa para sa gawain pang-eskwelahan at nagkamustahan na rin, ‘di rin nagtagal ay nagdesisyon na si Mavis na umuwi. Nagmamadali, tumakbo si Mavispapunta sa parking lot upang makauwi na ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay nabangga niya ang isang babae na taga ibang school, nalaman niya na taga ibang school ito dahil sa knaiyang ID lace na may logo ng ibang school. Nang tumayo si Mavis ay agad niya tinungo ang ulo at humingi ng paumanhin sa babeng na sa harapan niya, kinausap si Mavis ng dalaga ay nagtanong ng direksyon kung nasaan ang faculty ni Prof. Darlene, agad naman itong sinagot ni Mavis at nagsabi na sasamahan niya and dalaga papunta sa faculty. Habang naglalakad ay nag-uusap sila na parang matagal na silang magkakilala ng dalaga, at nakarating na sila sa faculty ni Prof. Darlene at bago pumasok ang dalaga sa faculty room ay nagtanong si Mavis kung ano ang kaniyang pangalan, sumagot ang dalaga at nagpakilala siya na siya ay si Historia at tsaka pumasok si Historia sa faculty. Grabe parang tinamaan ng palaso ni kupido ang puso ni Mavis, hindi rin niya maipaliwanag and kaniyang nararamdaman, ngunit isa lamng ang nangungunang emosyon ay ito ay pagkagalak. Umuwi na si Mavis sa kaniyang bahay ay nagpahinga. 


Lumipas na ang isang araw at nagising na ulit si Mavis, nag-asikaso na siya at pagmulat palang ng kaniyang mga mata ay pagkasabik and kaniyang nararamdaman. Natapos na ang knitang pag-aasikaso at umalis na siya sa kaniyang bahay, sumakay siya  sa kaniyang kotse at umalis. Nang makarating sa kanilang unibersidad ay agad siyang nag park at bumaba, naglalakad siya nang makita niya ulit si Historia. Nakita at nilapitan ni Mavis si Historia, sabik na saki na marinig ni Mavis ang boses ni Historia kaya siya ang nakasuot ng malaking ngiti. Magkalapit na sila at binati ni Mavis si Historia. Nagtanong si Mavis kung ano ang ginagawa niya sa unibersidad sinagot namna ito ni Historia na magpapalipat na pala siya sa unibersidad na pinapasukan ni Mavis, grabe and saya ng puso ni Mavis ng kaniyang narinig. Lumipas and ilang minute at nagpaalam na sila sa isa’t-isa. Pumasok na si Mavis sa kanilang room na may malaking ngiti pansin ng kaniyang mga kaibigan ang ngiti ni Mavis, kinakantsyawan ito ni Clei at sinundan naman ni Marinelle at asa gillid naman ay tumatawa lamang si Martha. Lumipas ang ialng minuto at dumating na and kanilang professor na si Celestine, si Prof. Celestine ay pinasn ni Marinelle na mabait sa kaniyang mga estudyante. Nang matapos ang klase ay nagadesisyon ng magkakaibigan na gumala sa Seoul. Habang nalalakad at namimili ng pagkain na pwedeng kainin ay Nakita ni Mavis si Historia nag-usap sila ta pinakilala ni Mavis si Historia sa kaniyang mga kaibigan. Nagbatian sila at nagpalipas ng araw at sila ay nag-uwian na.


Magkaraab bg ialng bwan ay patuloy ang pag-uusap nila Mavis at Historia. Dinala na nila ang isa’t-isa sa kanilang mga bahay at nangyari and kagimbal-gimbal at nalaman nila ang impormasyon, sila pala ay magkamag-anak o magkadugo. Nadismaya ang dalawa. Lumipas ang ilang araw at patuloy pa rin silang nag-uusap at kahit pinalalayo sila ay hindi pa rin sila nasunod. Nagkasakit ng malubha si Mavis, nagkaroon siya ng tumor sa utak at kailangan niyang magpagamot sa ibang bansa. Lubos and kalungkutan na nadarama ni Historia, hindi man silang kayang paghiwalayin ng kanilang mga magulang ngunit napaghiwalay sila ng sakit na mayroon si Mavis. Nag-usap ang dalawa bago lumiban ng bansa si Mavis nangako siya na babalik ngunit matatagalan lamang siya, ganun din ang pangako ni Historia na maghihintay kay Mavis kahit na matagalan pa siya. Lumipas ang minute at rinig na ang pag-announce ng numero na kanilang flight, unti-unting naglakas si Mavis hanggang sa ‘di na siya matanaw ni Historia at kaniyang mga kaibigan. Kinabukasan ay ramdam nila ang pangunuglila sa isa’t-isa, lumipas ang araw na patuloy ang lungkot, at ang araw ay naging taon.


Ilang taon na rin simula ng magkalayo silang dalawa, si Historia ay napagod na sa kaniyang paghihintay at nakahnap na siya ng bago, samantalang si Mavis naman ay magaling na at planong bumalik na sa kaniyang mahal na si Historia. Nang makabalik ay agad na napadaan siya sa isang simbahan kung saan may kasalan na nagaganap, masaya siya nung una ngunit ng makita niya ang bride sa kaniyang sasakyan ay agad nadurog and puso ni Mavis, dahil Nakita niya ang kaniyang mahal na si Historia na ikakasal na sa iba.



ANG PANGARAP KO AY MAGKAROON NG PANGARAP

ni Kesia Dicdiquin

Sa isang kaibig-ibig at tahimik na nayon ng Limasawa, mayroon magkakaibigan na masayang nagkwekwentuhan. "Ako, nais ko maging matapang na kabalyero!" Bulalas ni Sedo "Pangarap ko maging tanyag na pintor!" puno ng ambisyong turan ni Lupe "Ako, ibig ko maging mahusay na maestro!" determinadong saad ni Felip "Eh ikaw, Tiano, anong pangarap mo?" tanong ni Lupe "Ako? Ah... Ano... Eh... Ang pangarap ko... Ang pangarap ko ay magkaroon ng pangarap" pahina nang pahinang sagot ni Tiano. 

Umuwi ng araw na iyon si Tiano na bagsak ang balikat at mabigat ang dibdib. Hindi maalis sa kanyang isipan ang pinagusapan nila ng kaniyang mga kaibigan. Puno ang isipan niya ng mga katanungan kung bakit tila wala siyang pangarap katulad ng kaniyang mga kaibigan. "Paano nga ba magkaroon ng pangarap?" Malungkot na bulong ni Tiano. Binasa nya ang maraming aklat, nakipag-usap sa mga nakatatanda, nilibot ang bayan pati na ang kagubatan nagbabakasakaling mahanap niya doon ang pangarap.  Ngunit kahit anong gawin niya, ang kanyang isipan ay walang mahinuha. 

Kasabay ng pag-agos ng tubig sa dagat, ay siya ring pagbuhos ng luha sakanyang mga mata. "Kung pagsuko ang paraan upang matigil itong aking nararamdaman, patawad, aking pangarap!" malakas na sigaw at iyak ni Tiano. Lingid sa kaalaman ni Tiano, nakamasid sakaniya ang isang mahiwagang kuwago. Ramdam niya ang kabigatang dala-dala ng lalaki kung kaya't hindi nya napigilan ang sariling magsalita, "Kroo kroo...Bata, ano ang iyong hinahanap kroo?" Gulat at manghang-manghang tumingin si Tiano sa kuwago. Sa kabila nito, isang malalim na buntong hininga ang kanyang pinakawalan. "Naghahangad akong magkaroon ng pangarap tulad ng sa aking mga kaibigan, ngunit hindi ko ito matagpuan. Tila isa itong bituing nagkukubli sa kadiliman ng langit. Pakiramdam ko'y nawawala ako." "Magpatuloy! Kroo krooo... Kadalasan, ang mga pangarap ay hindi natutuklasan; sila'y nililikha. Suriin ang iyong puso–ang bawat kasagutan ay nakakubli rito. Kroo kroo... Iyong alamin ang iyong mga hilig at interes, at isang pangarap ang lilitaw at hahanapin ka nang kusa." Puno ng kaalamang pahayag ni kuwago bago niya muling winasiwas ang pakpak at lumisan. Nabuhayan ng loob si Tiano. Handa muling sumubok at magpatuloy. Sa bawat hakbang niya pauwi ay siya ring paghakbang patungo sa bagong simula. 

Makalipas ang ilang taon, si Tiano ay ganap ng kilalang manggagamot. Ang pangarap niyang magkaroon ng pangarap ay natupad magmula ng malaman niya na ang kaniyang hangarin at mithiin ay tumulong at magbigay ng pagasa sa mga tao. Hindi na niya muling nakita pa ang kuwago ngunit batid ng langit ang pasasalamat niya rito. Sa kabilang banda, masayang nakamasid ang kuwago magmula sa isang puno. 

"Kroo kroo... Masaya akong hindi ka natulad sa gaya kong sumuko. Kroo kroo..."



INDAY MELA: ANG MASIPAG KONG KASAMBAHAY

ni Mary Grace Dilag 

      Sa mansyon ni Don Hulyo Ibbara, araw ng martes, katamtamang init ay masayang naglilinis si Inday Mela, na hindi alintana ang pagod at pagkasabik sa kaniyang pamilya na naiwan sa probinsya.

      Hindi namalayan ni Inday Mela, ang paparating na si Bb. Clara, at ito ay kanyang nabangga at napaupo sa sahig. 

“Ano ba? Hindi ka nag-iingat!"  ani ng masungit na si Bb. Clara. Agad tinulungan ni Inday ang kanyang Senyorita. 

“Bb. Clara, pasensya na po, hindi ko po sinasadya”, ngunit hindi nag patulong ang Senyorita at galit itong tumayo.

     Simula ng araw na iyon ay parating galit si Bb. Clara kay Inday Mela, lahat ay napapansin nito. “Inday!... ano ba? bakit madumi pa dito? yung inutos kong inumin, hindi mo pa ginagawa, napakatamad mo”.

“Opo Senyorita, tugon ni Inday, ito na po”, at ibinigay ang inutos na inumin, ngunit ito ay itinabig ng senyorita at natapon.

      Nalungkot si Inday Mela at nilinis na lang niya ang natapon na inumin.

      At sa hindi inaasahang pangyayari, nakita ni Don Hulyo ang inasal ng apo, kaya naman pinagsabihan niya ito, at pinaliwanag ang kahalagahan ng mga kasambahay para sa kanila. Dahil dito, napagisip-isip niya na mali ang pakikitungo nya kay Inday Mela, dahil lubos itong mabait lalo’t higit ang pagiging masipag.

      At magmula noon naging mabait na si Bb. Clara kay Inday Mela.



Kung Ako Lang Sana ang Nauna, Edi Sana Tayo Na.

 ni Bea Eucare

Umaga na at ako’y nagising sa malaka na daan ng tren. Gusto kong simulan ang araw ko na masaya at kalmado. Nang hinawakan ko nag aking cellphone, “HALA! 6:30 na!”. Dali-dali na kong nag-asikaso dahil huli na akobsa trabaho. 

Hello! Ako si Youko. Bago lang ako rito sa napakalaki at magusaling lugar. Isa akong otaku ngunit itinatago ko lang iyon dahil ang pagiging otaku ay nakakadiri sa paningin ng ibang tao.

“Hay! muntik na ko iwan ng tren..” bulong ko habang naghahabol ng hininga.

Narito na ako sa malaking gusaling aking pag-a-apply-an ng trabaho. Nang ipinakita ko ang aking resume sa aking boss, natanggap agad ako at sinamahan nita ako kung saan ako nakapuwesto. Hanako nga pala ang pangalan ng aking boss. Habang kami ay naglalakad, may nakasalubong akong familiar ang mukha.

“Hirotaka?” bulong ko.

“Hm? Youko?” sagot niya.

Narinig niya pala ang wika ko. Siya nga! Si Hirotaka. Ang childhood friend ko.

“It’s been a while! kamusta?” Sabi ko sakanya.

“Eto, humihinga pa. Ikaw? Dto ka na nagtatrabaho?” Sagot niya sa akin.

Nagtuloy-tuloy na ang usap namin at okay lang naman sa mga boss namin dahil magkakilala lang ren naman sila.

Lumipas na ang limang minuto at kailangan na namin umpisahan ang trabaho. Ngunit itong si Hirotaka ay may hinabol na tanong. Nadurog ang mundo ko dahil sa kahihiyan. Dahil ang tanong niya ay pag-expose na isa akong otaku.

Tapos na kami magtrabaho at nagkayayaan kaming mag-beer. Sinama na rin pala namin ang boss ni Hirotaka, si Kabakura.

Habang tumatagal ang samahan namin, napagtatanto kong same interest kami ni Hirotaka.

Habang tumatagal din ay mas nagiging malapit na kami sa isa’t isa at sa tingin ko ay gusto ko na siya. Ngunit sa kabila ng lahat, palagi niyang naalala ang ex niya, si Narumi. Katrabaho lang rin nila si Narumi. Palaging bumabati at nakikipag-usap kay Hirotaka kaya hirap itong maka-move-on.

Makalipas ng tatlong buwan, niyaya ko si Hirotaka sa isang amusement park. Pumayag siya. 

Nang makarating na kami roon, masaya ang bawat oras namin sa isa’t isa. Sumakay kami ng roller coaster, Xtreme, Love of Boat, at kung ano ano pa. Nang sumakay na kami ng ferris wheel, hindi na akong nag-hesitate na aminin ang totoo kong nararamdaman para sakaniya.

“Hirotaka…” bulong ko.

“Yes?”, sabi niya.

“Hindi ko na kayang itago. Gusto kita. Gustong gusto.” wika ko sakaniya.

“Youko…” reaksyon niya sa sinabi ko.

“Sorry Hirotaka. Pinilit kong hindi ka gustuhin pero-“ pahabol ko ngunit pinutol niya.

“Youko, sorry, ayoko. I maybe like you pero hindi pa ako handa at hindi pa healed sa nakaraan ko.” ang sabi niya.

Pababa na ang puwesto ng ferris wheel na kinalalagyan namin.

“Sorry, Youko. Gusto rin kita pero ayaw kong masaktan ka dahil sa hindi ako sigurado.” pahabol niyang wika.

Bumaba na kami ng ferris wheel at awkwardly umalis ng amusement park. Habang naglalakad pauwi, hindi kami nagsasalita. Hinatid na niya ako sa aming bahay at nagpaalam.

“Bye Hirotaka. Salamat sa time mo.” pagpapaalam ko sakaniya.

“Bye.” malamig niyang sagot at hindi siya makatingin sa akin.

Kinabukasan sa trabaho, sina Hanako at Kabakura ay super confuse sa amin kung bakit hindi kami nagpapansinan. Nagsabi si Hirotaka at umabot ito kay Naruimi. Lumapit sa akin si Narumi.

“Hi. Youko, right?” approach niya sa akin.

“P-po?” sagot ko.

“You’re so embarassing. Haha” insulto niya sa akin at umalis.

Buong gabi ko kinikimkim iyon. Hindi na ako pumasok ng trabaho sa mga susunod na araw. Humingi ako ng permission na mag-quit at pumirma na rin ng resignation letter through online platforms. Lumipat na rin ako ng lugar, sa Osaka. Hindi ko kayang mag-stay pa sa Tokyo.

Araw-araw kong iniisip ang mga pangyayaring iyon at araw-araw din akong nagsisisi na umamin sakaniya. Galit din ako kay Narumi kahit wala naman akong karapatan.

“Kung ako lang sama ang nauna, edi sana tayo na”, salitang binubulong ko sa sarili ko gabi-gabi.



Ang Paru-paro 

ni Lei Rean Floralde

Mataas na ang sikat ng araw at malamig ang simoy ng hangin, iyan ang bungad ng panahon sa hardin ng mga bulaklak. Namumukadkad ang iba’t-ibang uri mapa-rosas man sa lupa hanggang sa mga lily sa maliit na sapa. Tila nagsisiyahan ang mga ito, ginugunita ang paglabas ng Paru-paro mula sa kaniyang cocoon o bahay-uod. Ito’y may itim na mga pakpak na nagiging iba’t-ibang kulay tuwing nasisinagan ng araw. Tila ito’y isang bahaghari na natatago ang kagandahan.

Masayang lumipad si Paru-paro dahil kay tagal na noong huling nasa lbas siya. Kinawag nang kinawag ni ang mga pakpak upang mataas na makalipad. “Kay ganda talaga sa harding ito!” labis na namamangha nitong sambit. Sa paglipad, nakasalubbong ni Paru-paro ang mga kapwa niya paru-paro rin. “Kamusta kayo?” nagagalak na sabi nito. Ang grupo naman ng mga paru-paro ay tila nakahanap ng panibagong biktima ng kanilang pang-aasar. “Aba! Narito na pala siya. Saan ka galing? Mukhang ikaw yata eh gumulong sa putikan!” pilyong sabi ng isa sa mga paru-paro, halatang nagungutya. Sunod-sunod na nagtawanan ang mga paru-paro at kung ano-anong paninirang puri ang sinabi kay Paru-paro. Bawat mga salitang sinasabi ng mga ito ay tumatatak sa isip niya kung kaya’t nagsimula itong magtanong sa sarili at punahin ang bawat katangian niya.

Sa gitna ng pang-aasar, napadaan ang grupo ng ilang mga insekto. Nakita ng mga ito ang ginagawang pangungutya kay Paru-paro. Lumapit ang mga ito sa kinaroroonan nila at saka kinompronta ang mga paru-paro. “Hoy! Kayo nga eh umalis na dito! Hindi Maganda ang ginagawa niyo. Hindi niyo dapat hinuhusgahan ang isang bagay base sa kaniyang pisikal na kaanyuan. Kayo man ay kaaya-ayang tignan, kabaliktaran naman iyon ng mga ugali niyo!” diretsong sabi ng isang insekto na nagpatahimik sa mga paru-paro. Sa pagkapahiya, umalis na ang mga ito.

Lumapit ang mga insekto sa luhaang Paru-paro upang tulungan ito. “Ayos ka lang ba?” nag-aalalang tanong ng mga ito kay Paru-paro. “Oo, ayos lang ako. Maraming salamat sa pagtulong niyo saakin. Hindi ko rin kasi alam ang gagawin ko kung hindi kayo dumating,” nahihiyang sabi nito. “Wala iyon! Sana ay huwag mong dibdibin ang sinabi nila. Marahil sila ay labis na mapangkutya lamang dahil iyon ang nakasanayan nila,” banggit ng isang insekto sakaniya. “Tama! Huwag mong huhusgahan ang iyong sarili dahil lamang sa sinasabi ng iba. Ikaw ang tunay na nakakakilala sa sarili mo at tunay nanakakaalam ng kagandahan mo. Kahit kami ay alam naming ikaw ay labis na maganda ka. Kaya’t huwag kang magpapadala sa mga salita nila,” payo ng isa pa. Sa tulong ng mga insekto, muling namasyal si Paru-paro nang hindi nag-aalala. Dahil alam niya sa kaniyang sarili ang tunay na kagandahang hinding-hindi masisira ng pananaw ng iba tungkol sakaniya.



Ang Pagbalik ni Yani

ni Lea Gumalal

Sa pag lipas ng panahon at nag simula ng nag si usoang mga ibat ibang palabas sa telebisyon, ang mga iniidulong karakter sa bawat palabas lalo na ang mga palabas na may kapareha o tinatawag nilang "Love team" ay talaga namang pumatok sa mga kabataan dahil sa ilang kinakikiligan nilang mga karakter, isa si Yani sa mga babaeng ninais na maging isang artist, hindi dahil sa gusto niya ito kung di may nais lamang siyang balikan. Si yan ay 21 taong gulang ng pinasok ang mundo ng pagiging isa artista nahirapan man sa una ngunit nagawa niya parin itong malampasan. Sa loob ng tatlong taon na nakuha niya ang matagal na ninanis na maging isang ganap na artista. Si Yani ay isang masipag at mabuting tao at pag dating naman sa itsura nito ay mala anghel ang kaniyang mukha at mayroong perpektong pangangatawan na tiyak na kahit sinong lalake ay mapapalingon sa pag daan niya. Sa pagiging isang artista si  Yani ay nag karoon ng pag kakataon na maipareha sa isang matipunong lalake na si Marco, matagal na itong artista ngunit hindi pa ito nag kakaroon ng sariling project simula pa noon kaya't ito ang unang pagkakataon na nag karoon siya ng kapareha walang iba kung di si Yani. Si Marco ay may pagka mayabang  na tao kung kaya't minsa'y maraming naiinis sa kaniya at kung minsan ay nakakalimutang rumespeto sa gumalang sa kausap nito naka depende  kung may kamera na ka tutok sa kaniya, mag kukunwaring matulungin at may paki elam sa lahat kapag may kamera ngunit pag hindi ay saka lumalabas ang tunay na ugali nito.

"Yani, mag handa ka para bukas h, naimbitahan tayo sa isang live T.V show para sa isang interview about sa love team natin" sambit ni Marco "okay"malumanay na sagot ni Yani

"Make sure na maaga ka gumising, puntahan mo na lang ako sa condo ko para maisabay din ako hehe" dagdag pa ni Marco ngunit irap lamang ni yani ang ipinalit sa sinabi nito.  

Kinabukasan, Abala ang lahat sa pag aasikaso apra sa T.V show maging ang dawala na si Yani at Marco ay nag hahanda ng para sa kung anong  maaaring itanong sa kanila ng host sa pag interview.

"Yani! Isang ngiti naman diyan." Biglaang sambit ni Marco " I'm smiling" sagot naman ni Yani. "Talaga? yan na ba ang ngiti mo? Come on! Smile naman diyan! For me please?" " For you?" Tanong ni Yani na may halong pagtataka. "Oo smile ka naman kahit para lang sa taong nagugustohan mo" sabay pa cute sa dalaga, at nag pakita nga ito ng kaunting ngiti kay Marco. " Ayan okay na?"  "Better, by the way ang ganda ganda mo" sambit ni Marco

"I know" maikling sagot ni Yani. Maya't maya ay mag simula na ang show, "Anong pweding i-expect namin sa love team ninyong dalawa?" Tanong ng isang host. " Of course nailatag na samin yung mga gagawing movies,series, small shows, meet and greats. Marami pang aabangan." Masayang sagot ni Marco sa host. "Tsk sinungaling.." bulong ni Yani hanbang umiirap. Nagulat si Marco sa narinig nito at binigyan lang ng masamang tingin si Yani.  "Hmm ituloy ninyo lang po ang pag tatanong..."sambit ni Marco. " So, kamusta naman ang yung relationship ninyong dalawa?" Muling tanong ng host "Masaya! Masaya kami  we've been hanging out this past few days keeping each other's company, getting to know more, we've been having so much fun" sagot ni Marco na bakas sa kaniyang mukha ang pag ka galak. " Getting to know more means you both like each other?" Tanong ng host ng may halong kilig. "Yes!" Sagot naman ni Marco ng wlang halong pag aalin langan. "No!" Agarang sagot naman ni Yani, bakas sa mukha ng host ang pag ka gulat, "Yani!" Pasigaw na tawag ni Marco. "Getting to know each other means casual lang, also we never hang out na kaming dalawa lang yung photos namin na kumakalat ngayon sa internet, yun yung time na pinag sabihan ko siya na wag akong akbayan during group dinner kasi ang uncomfortable" pag papaliwanag ni Yani. "Ohws" gulat na sagot ng host.. " And sa totoo lang, wla pang nilalatag na projects sa amin, we're still waiting and wala pang final decision kung magiging loveteam kaming dalawa" dagda pa ni yani. "Yani ano ba?!" Galit na sigaw ni Marco. "Dapat ba tayong mag panggap na okay tayo? Should we lie more? Eh sa totoo naman diba? Our love team is not official..   " Sorry, excuse me, please cut that out, sumunod ka sakin Yani." Sambit ni Marco sabay agarang hinila si Yani palabas ng studio. "Ano ba!  Nasasakyan ako!" Sigaw ni Yani. "Ano yun? Anong pakulo yun ha?! Do you even know what your doing doing?! You're stupid! Imagine, pitong taon na ko sa showbiz e ikaw? Wala ka man lang alam sa kalakaran na to eh!" Galit na galit na sambit ni Marco. "Simula palang sinabi ko na sayo, cheesy stupid lies won't work sakin! Nag papaka totoo lang ako! Baket ako mag sasabi ng kasinungalingan kung alam ko naman sa sarili ko na ikaka sira ko rin yang mga yan." Sagot naman ni yani. " Hay nako Marco, you could've just said na we're good! we're friends qng we're excited to work with each other! eh kaso bulok ka."dagdag pa nito. Nginisian lamang iyon ni Marco ng may galit. " " They know na I don't and I can't lie, sorry ka na partner ka sa isang babaeng artista na walang preno ang bibig at walang gusto sayo."

"Excuse me"  biglang singit ng host sa oag uusap ng dalawa "ah yes, hello lets continue na the intervie, may mood swings lang talaga tong si Yani eh" Sambit ni marco. No, hindi na matutuloy ang interview" "huh? bakit?" tanong ni Marco. "we got a call from your management. They cancelled the shoot. Excuse me..."

"Tignan mo ginawa mo. Yani! Sinira mo tayong dalawa! Sinira mo ko! Nadawit tuloy pangalan ko dahil sa kagagawan mo kanina sa interview! Bwisit! " galit na galit na sambit ni Marco "Ako ang sumira sayo? Baka ikaw ang sumira sa sarili mo ?" Sambit ni Yani habang naka tingin sa teleponong hawak nya. "what?" Nag text sa kin ang management. they want me to stay away as a far as i can from you." paliwanag ni Yani. "at bakit mo naman gagawin yun?" "You're Clue less? Really, marco? You're trending right now! someone exposed you and i think kanina pa tong post na to!" "Cheating, bullying, and  violence towards your past schoolmates? Hindi pa marunong  humingi ng tawad sa mga na biktima at hindi lang yun, when you were 16, may na hit and run kang isang babae!" "My gost  marco ikaw ba talaga  to?Mukhang marami kang pag babayaran ah? sabay agarang pag alis ni yani.

"Handle your own business, I can't save you from this Marco!"galit na sambit ng kaniyang manager na si allan. "Manager kita! Just please help me!" Nakikiusap na sambit nito "Hindi na ngayon! Everyone hates you! Madadawit at madadawit narin ang pangalan ko dahil tinulungan kitang tumakbo dati! Sumuko ka na lang please, lalo na kalat na sa social media yung video mo noong na-hit and run mo yung babae!"

"What? but how? I made sure na wala na yun ah!"

"We'll i guess the victim retreived the CCTV footage. She's alive Marco!" "She- she's alive? A- Akala ko patay na siya? Bakas sa mukha ni Marco ang pag ka balisa at pagka gulat sa mga narinig. "Si Yani yung babaeng nabangga mo dati!" Muling sambit ng kaniyang manager. Muntik ng matumba sa pagka tayo si Marco dahil sa panlalambot ng kaniyang mga tuhod sa mga narinig kita sa kaniyang mukha ang takot na nadarama."excuse me" biglang singit ng host sa pag uusap ng dalawa. "Ah yes. hello lets continue na the interview. May mood swings lang talaga to si yoni eh" Sambit ni marco. No, hindi na matutuloy ang interview" "huh? bakit?" tanong ni marco. "we got a call from your management. They cancelled the shoot. Excuse me..."

"Tignan mo ginawa mo. yoni! Sinira mo tayong dalawa! Sinira mo ko! Nadawit tuloy pangalan ko dahil sa kagagawan mo kanina sa interview! Bwisit! " galit na galit na sambit ni marco "Ako ang sumira sayo? Baka ikaw ang sumira sa sarili mo ?" Sambit ni yani habang naka tingin sa teleponong hawak nya. "what?" Nag text sa kin ang management. they want me to stay away as a far as i can from you." paliwanag ni yani. "at bakit mo naman gagawin yun? " "You're Clue less? Really, marco? You're trending right now! someone exposed you and i think kanina pa tong post na to!" "Cheating, bullying, and  violence towards your past schoolmates? Hindi pa marunong  humingi ng tawad sa mga na biktima at hindi lang yun, when you were 16, may na hit and run kang isang babae!" "My gost  marco ikaw ba talaga  to?Mukhang marami kang pag babayaran ah? sabay agarang pag alis ni yani. Alam niya na ba na ikaw yung na-hit and run niya?" Tanong ni Elly ang boyfriend ni Yani "According to my sourses, alam na niya." "At alam narin ba nita na ikaw yung nag- expose sa kaniya? Na tinulungan mo yung mga nabiktiba niya?" Muling tanong ni Elly. "That.. No love, hindi niya rin alam na matagal nang alam ng management yung mga ginawa niya. Kaya nga ilang taon na siyang walang project diba? He was so excited na ma-partner sa akin kasi akala niya okay na lahat. " Haha, eh kaso nag-bounce back sa kaniya. Success ang plano mo love." "Nag-showbiz  ka dahil sa kaniya. Binuo mo pangalan mo tapos nag sumikap ka para magkaharap kayong dalawa, I'm impressed." "Dapat lang, tatlong taon akong naghirap sa showbiz para lang  mapa bagsak siya."

"Congrats Yani, Hindi na siya makakaahon pa."

"This calls for a drink love, let's go!" Sabay ngiti ang pinalit rito ni Elly, at sabay na silang umalis para i-celebrate ang successful na plano ni Yani kay Marco.



SORPRESA NINA KUYA 

ni Geraldine Jagunap


Nagising ang anim na taong gulang na si Adira, napansin niya na wala na siya sa higaan kung saan siya humihimbing tuwing gabi at doon niya nalang naaninag ang mga kapunuan, nang silipin niya ang kuya niyang buhat buhat siya ay umiiyak ito. “K-kuya? Nasaan po tayo? Nasaan po sina mama?” tanong ni Adira. “M-may binili lang sa malayong lugar ‘yon kaya baka matagalan silang makabalik.” sagot ng kuya niya. Hindi na nagtanong si Adira at nanatiling gising hanggang sa makarating sila sa isang kweba. “Huwag na huwag kang lalabas dito, Adira, ha? Maaga pa matulog ka muna. Kapag lumiwanag na ay hahanap agad ako ng almusal.” Sabi ng kuya niya nang ilapag niya ang batang walang kaalam-alam. Mabilis na napatakbo si Adirq nang makarinig ng malakas na putok mula sa labas, sunod-sunod ito at may sigawan pa mabilis na niyakap ng kuya si Adira, “A-ano po iyon, kuya?” may bahid ng luha ang mata nito dahil sa takot. “M-mga paputok lang, Adira. . .malapit na kasi ang bagong taon, h-huwag kang lalabas ha baka matamaan ka ng ligaw na paputok.” biak ang boses ng kuya niya habang kinakausap si Adira. Nakinig lang si Adira at hindi na nagtanong ulit kahit nananabik na si Adira sa labas at sa mama at papa niya. “Adira, halika rito.” tinawag siya ng kuya niya mahigit isang linggo na rin silang nasa kweba at paubos na ang tinapay nila. “Kapag hindi na ako nakabalik kaagad ay kasama ko na sina mama at papa, ah.” mangiyak ngiyak na sabi ng kuya niya. “Bakit ayaw niyo po ako isama?” malungkot na tanong ni Adiram “M-malapit na kasi ang birthday mo at baka hindi ka na masorpresa kapag sumama ka.” ngiting pilit ng kuya niya. “Ganun ba, kuya?” excited na tanong ni Adira. “Hihintayin ko po kayo, mag-iingat ka, kuya!” sabi ni Adira at humalik sa pisngi ng kuya niya. Naging mag-isa si Adira ng ilang araw, sa tuwing may putukan sa labas ay iniisip niyang matagal pa ang kuya niya dahil sa pagtapos pa ng bagong taon ang birthday niya. Kaya palagi niyang hinihiling na matapos na ang putukan para masorpresa na siya ng pamilya niya. Noong nag birthday siya ay marami pa ring putukan gutom na gutom na si Adira kaya naman kahit hindi pa bumabalik ang kuya niya ay lumabas na siya, tinanggal niya ang malaking bato, gumuhit ang ngiti sa mukha niya nang tumama sakaniya ang araw, ngunit agad itong nabigla at nasorpresa, nang makita ang mama, papa at kuya niya na nakadapa, ngunit agad itong napahagulhol nang mag mistulang estatwa ang kaniyang pamilya at tila bumalik sa Disyembre ang klima. 




Escribiendo una novela de terror

ni Allyza Rhaine Lagahit 

Sa isang siyudad may nakatirang isang babae na nagngangalang Shanaia Keilei, isang manunulat ng horror novels. Sikat siya saanman na lugar, may mga kaibigan si Naia na sobrang supportive sa kanya. “Naia, nakita mo na ba yung balita? Sikat na sikat ang bago mong libro, kalat na kalat ito,” sabi ng kaibigan ni Naia na si Shawn.  “Hindi pa, pero mamaya titignan ko,” sagot naman ni Naia. “OMG beh, Naia, grabe ka talaga! Kakapublish mo lang kahapon, ubos na agad sa lahat ng book store,” tuwang sabi ni Lea, isa sa mga kaibigan at kaklase ni Naia. “Ganon talaga, mabilis yung fans ko eh. Tsaka alam ko naman na matagal na nilang inaantay 'yun,” sabi ni Naia. “Pero sis, medyo weird yung bago mong gawa, parang may something or parang familiar ang title,” pagtatanong sabi ni Ashy.

“Paanong weird, Ashy? Eh always horror novels naman ginagawa ni Naia,” sagot ni Lea. “Hay nako, Ashy, baka kasi di mo pa nababasa ang libro kaya masasabi mo 'yan,” sabi naman ni Shawn. “Alam mo Ash, basahin mo nalang para malaman mo,” sabi ni Naia. Naputol ang kwentuhan ng pagkakaibigan nang may sumigaw at sila ay biglang nagulat. “Ano ba yan, Seb at Caleb? Akala mo mga di lalaki,” natatawang sabi ni Lea. “Tignan nyo yung social media nyo ngayon din,” natatarantang sabi ni Caleb. “Bakit ba? Ano'ng meron? Lowbat kasi ako,” tanong ni Shawn. “Eto sabi dito, may nakitang patay sa Binondo Bridge, may saksak sa tiyan at puso, tapos may hawak na libro. At 'yung libro na 'yun, 'yung bagong libro na labas ni Naia,” sagot ni Seb.

“Ano, sino daw may gawa nun? Kawawa naman yung biktima,” malungkot na sabi ni Naia. “Wala pa nilalabas yung pulisya sa suspek, pero may iniwan na note yung pumatay,” dugtong ni Caleb. “Ano nakalagay?” tanong ni Ashy. “Eto sabi, ‘Nos resucitaste de entre los muertos, para que sufras.’ Di ko maintindihan 'yan,” sabi ni Seb. “Wait, nag-aral ako ng Spanish, kaya medyo alam ko mga salita niyan,” sabi ni Naia. “Ano sinasabi 'yan?” tanong ni Lea. “Binuhay mo kami muli kaya magdudusa ka,” pagtatakang sabi ni Naia. “Huh, anong meaning niyan? May galit ba yung taong 'yan sa namatay o galit sayo Naia dahil sa libro?” tanong ni Caleb. “What do you mean, Cal? Sinasabi mo ba na may kinalaman si Naia dito?” dudang tanong ni Lea. “No, di 'yun ang ibig sabihin ko, kasi 'yung book ni Naia Spanish, baka galit yung taong may hawak ng libro,” sabi ni Caleb.

“Baka coincidence lang 'yun, Cal,” sabi ni Seb. “Oo nga, Cal,” dugtong pa ni Ashy. “Hay nako, tama na nga yan, hayaan nyo na yung pulis maghanap sa suspek,” sabi ni Naia. Matulog na tayo, may trabaho pa tayo bukas,” dugto ni Naia. Pagkatapos nilang mag-usap, nagtulog na rin sila... Lumipas ang ilang linggo, na paulit-ulit ang nilalabas ng balita tungkol sa mga namatay na fans ni Naia sa Binondo Bridge. Iba't-ibang tao ang matatagpuan sa bridge, at iba-iba rin sila ng ikinamatay. Ng iba, nawalan ng mata, at yung iba, labas na laman loob sa mga saksak na... “Ilang linggo na ako nanaginip simula nung nabasa ko yung libro ni Naia,” ani ni Ashy. “Ikaw rin, Ashy, parehas tayo. Lagi sinabi ni mama, binabangungot ako tuwing sasapit yung 11 pm,” sagot ni SSeb “Ano meron?” tanong ni Naia.

“OMG, buti nandito ka na. Alam mo ba, binabangungot na kami after namin mabasa yung libro mo,” sabi ni Lea. “Di naman sobrang nakakatakot yung libro eh,” sabi ni Naia. “Anong hindi, Naia? Nung binasa ko 'yun, tumataas balahibo ko kada nililipat ko yung pahina,” sabi ni Caleb. “True, di ko alam, pero habang binabasa ko yung libro mo, parang may nanonood sakin na di ko alam,” ani ni Seb. “Jusko, tagal nyo nang nagbabasa ng libro ko, ngayon lang nangyari sainyo 'yan,” sabi ni Naia. “Pero beh, may something ata yung libro mo kasi simula nung nilabas mo 'yan, sunod-sunod na 'yung namamatay,” sabi ni Lea. “Baka nga talaga may something sa libro,” ani ni Seb.“Ano bayan mga beh, pinagsasabi nyo lahat ng gawa ko, walang something, kayo lang 'yun,” ani ni Naia.

“Guys,” bungad ni Cali. “Oh, Cali, bakit ngayon ka lang? Nasaan ka ba nung launching ng book ni Naia?” tanong ni Lea. “Oo nga, Cali,” dugtong ni Ashy. “Busy ako malamang, pero hindi 'yan yung pinunta ko dito about, 'yun sa libro,” sagot ni Cali. “Anong meron sa libro?” tanong ni Seb. “Nakita ni mama yung libro na binabasa ko at pinapasunog nya ‘yun sakin,” ani Cali. “Bakit naman pinapasunog ni Tita yung book ni Naia?” tanong ni Ashy.

“Naia, 'yung libro mo, may ginambala ka dun,” sabi ni Cali habang nakatingin kay Naia. “Anong nagambala?” tanong ni Naia. “Sabi ni mama, 'yung mga salitang ginamit mo sa libro at 'yung mga pangyayari sa libro, katulad na katulad sa Lola ko na namatay,” sabi ni Cali. “Ano naman kinalaman ng Lola mo sa libro ni Naia?” sagot ni Caleb. “'Yung libro nagawa ni Naia, base sa totoong pangyayari noong taon 1874. May babae raw na nailibing nang buhay dahil sa kasalanang di niya ginawa. Sabi pa ni mama, nakalibing 'yun sa Binondo Bridge kaya lahat nang namatay dun, yung babaeng nagambala mo, Naia. Kaya sabi ni mama, kailangan masunog natin 'yung mga libro,” kwento ni Cali. “Paano natin masusunog 'yun?” tanong ni Seb.

“Sa mismong puntod ng babae na nagambala ni Naia, at kailangan din sunugin ang librong hawak mo Naia,” libro ko, bakit?” tanong ni Naia. “Dahil 'yun ang main libro ng lahat, 'yang libro na 'yan kailangan sunugin sa puntod ni Lola and the rest of the books sa puntod ng babaeng inilibing ng buhay 1874,” sagot ni Cali. “Kung 'yan ang nagpapatahimik sa kaluluwa nung babae, sige sunugin namin. Pumunta tayo ngayon din sa Binondo Bridge at sa puntod ni Lola ni Cali,” ani Naia. Agad siyang pumunta sa Binondo Bridge para sunugin ang mga libro. Pagtapos, agad silang pumunta kung saan nakalibing lola ni Cali, at doon nila nakita yung kaluluwa nung nagambala nila. Tila may galit ito sa mga tao kaya ito paghihiganti. “Sige na, Naia, sunugin mo na yung libro. Magdasal ka rin ng Latin prayer, mas malakas 'yun para hindi na bumalik yung kaluluwa,” sabi ni Cali. “Sige, hawak-kamay na tayo,” ani ni Naia. Naghawak kamay ang magkakaibigan para ipagdasal yung lola ni Cali at yung kaluluwa ng babae.

“Pater Noster, qui es in caelis, sanctificetur nomen tuum. Adveniat regnum tuum. Fiat voluntas tua, sicut in caelo et in terra. Panem nostrum quotidianum da nobis hodie, et dimitte nobis debita nostra sicut et nos dimittimus debitoribus nostris. Et ne nos inducas in tentationem, sed libera nos a malo. Amen,” pagdarasal ni Naia, sabay sindi ng libro sa puntod ni Lola ni Cali. “Sana matahimik na at pasensya ka na kung nagambala kita,” dugtong ni Naia. Dito na tinapos ni Naia ang nagambala niyang kaluluwa. Makalipas ang ilang buwan, bumalik na sa dati ang lahat, natahimik na rin ang kaluluwa, at si Naia nagpahinga sa pagsusulat ng horror novels. Nag-focus siya sa pagiging creative director at architect, kasama ang mga kaibigan nya.



Ang Magkakaibigan

ni Belchasar Mahinay


Tatlong magkaibigan sina Mier, Marvin, at Lerry. Sa isang umaga sa paaralan, nagkita sila matapos ang isang linggong hindi pagkikita.

Masaya silang nagkasama at nagkwentuhan tungkol sa kanilang mga karanasan. Sa klase, tinawag si Lerry dahil sa kanyang bibig na hindi tumitigil. Nagtawanan sina Mier at Lerry, na nagdulot ng tampuhan sa kanila. Pagkatapos ng kase, umalis agad si Marvin nang hindi hinihintay sina Mier at Lerry. Dahil sa tampo, pumasok si Marvin sa paaralan kinabukasan na may dalang mga aralin.

Gusto niyang ipakita na hindi siya ganoon kahina ang utak. Sa huli, nagtagumpay si Marvin na ipakita ang kanyang galing sa klase.

Nagpatawad sina Mier at Lerry kay Marvin at nagpunta silang magkakaibigan sa mall upang kumain at magkwentuhan. Ito ay isang kwento tungkol sa pagkakaibigan, pagkakamali, pagpapatawad, at pagkakasunduan.



ANG HAMON SA BUHAY

ni Christian Manuel

Noong ako’y bata pa, palaging nasa isip ko ang pangarap na maging isang manunulat. Mahilig akong mag-imagine at gumawa ng mga kuwento sa aking isipan. Ngunit sa kabila ng aking pagnanais na maging isang manunulat, mayroon akong isang malalim na tunggalian sa loob ng aking sarili.

Sa una, hindi ako gaanong kumpyansa sa aking kakayahan. Madalas akong kinakabahan na baka hindi sapat ang aking talento o kakayahan upang makamit ang aking mga pangarap. Ang takot na ito ay nagdulot ng maraming pag-aalinlangan at pag-aatubiling ipagpatuloy ang aking pangarap.

Ngunit sa kabilang dako, mayroon din akong matinding determinasyon na labanan ang aking mga takot at alinlangan. Sa tuwing sumusulat ako, nararamdaman ko ang ligaya at kasiyahan na hatid ng pagsusulat. Ito ang nagbibigay sa akin ng lakas ng loob upang patuloy na magpakadalubhasa at magpursigi sa larangan ng pagsusulat.

Sa kabila ng aking mga pag-aalinlangan at takot, patuloy akong lumalaban para sa aking pangarap. Sa bawat hirap at pagsubok, natututo akong tanggapin ang sarili at palakasin ang aking loob upang harapin ang anumang hamon na dumating sa aking buhay.

Sa huli, natutunan kong tanggapin at yakapin ang aking sariling kakulangan at kahinaan. Ang tunggalian na ito ay nagbigay sa akin ng bagong pananaw sa buhay at nagturo sa akin kung paano labanan ang aking mga takot. Sa pamamagitan ng pagsusulat, natagpuan ko ang sarili at natutunan kong mahalin ang bawat bahagi ng aking pagkatao.



Ang kaibigan kong si Minnie

ni Giann Maravillas


Si Minnie ay malamig, maputi, mabait, at parang unan ang kaniyang balahibo. Matalik na kaibigan ni Mara si Minnie, palagi silang magkasama sa paglalaro at sa pagtulog ni Mara. Isang araw ay nakita ni Mara na hindi na gumagalaw at humihinga si Minnie. Tuloy-tuloy sa pag-iyak at hagulgol si Mara nang makita niya ito, pakiramdam nya'y parang siyang nawalan ng kaibigan.


"Huwag ka nang umiyak, anak. Mag-aampon na lang tayo ng bago mong kaibigan."  "Ayoko, inay, mahal na mahal ko si Minnie walang makakapalit sa kaniya!" Hindi na mawari ang ina para mapatahan ang kaniyang anak. Pinaghandaan ng ina kasama ang tatay sa pag gawa ng libingan ni Minnie. Hindi pa rin matigil sa pag-iyak si Mara na parang gusto na nitong sumama. "Paalam Minnie, sana magkita ulit tayo at makapaglaro. Oras mo na rin siguro para magpahinga." sabay bigkas nito habang naghuhulog ng paborito nyang bulaklak na rosas.



Mundo

ni Ana Loren Ornido


          Taong 2000,mayroong  isang masayang pamilya na nakatira sa isang simpleng village, ang bawat pamilyang nakatira sa village na iyon ay masaya at tila walang problema. "Good morning, kumusta yung mga bata?" wika ni Lori. Isa siya sa mga nakatira sa village  na ito at siya rin ang pinakamalapit sa pamilya ni Scarlett. "Okay lang namna yung mga bata, naroon sila sa loob naglalaro kasama ang papa nila." Nakangiting sumagot si Scarlett habang nagdidilig ng halaman sa kanilang bakuran."Mabuti naman, oh siya sige tutuloy na ako."Ngumiti si Loreli habang nagpapaalam. Nang matapos ng magdilim ng halaman, ay pumasok na ito sa kanilang bahay. Nakita niya ang mga anak na si Martin at Jacob na masayang naglalaro sa kanialang sala. Nang makita ni Jacob ang kaniyang ina ay agad itong tumayo at tumakbo papunta kay  Scarlett upang ito'y yakapin at lambingin. "Mama, kailan po tayo bibisita kay Tita Lori? Namimiss ko na po kasing maglaro sa bahay niya." Ngumiti si Scarlett at sumagot. "Nako, ikaw talagang bata ka, bukas na tayo bibisita sa kaniya kasi  napadaan si Tita Lori niyo kanina at ang sabi niya may pupuntahan raw siya." "Ah, ganoon po ba sige po mama." Sagot nito at agad bumalik sa paglalaro kasama ang kaniyang kuya.Agad namang tumungo si Scarlett sa kusina upang maghanda ng kanilang tanghalian. Nang matapos ay agad siyang naghain at tinawag ang kaniyang dalawang anak at asawa. Na sa hapag-kainan na sila at nakain ng biglang at habang nakain ay nagtanong si Scarlett sa kaniyang mga anak. "Mga anak, kumusta ang school niyo? Ikaw kuya kumusta?"Tumingin ito kay Martin na may pagaalala sa mga mata. "Okay lang naman po mama."Nakangiting tugon ni Martin sa kaniyang ina, at bumalik sa pagkain." Ikaw naman bunso, kumusta? "Tanong namna nito sa bunsong anak na si Jacob." Okay lang din naman po, mama. "masayang sagot ni Jacob sa ina. Matapos silang kuamin aya agad na niligpit ni Scarlett ang mga platomNag kaniyanh mga naka na si Martin at Jacob naman ay agad pumaroon sa kanilsng kuwarto, habang ang kaniyang asawa naman na si Frank ay abala sa kanilang garahe. "Frank,matatapos ka na ba diyan?" Tanong ni Scarlett sa kaniyang asawa na abala sa pagkukunpuni ng gulong ng kanilang kotse. "Matatapos na din ito, nabutasan lamang ako ng gulong kahapon." Sagot niyo sa kaniyang asawa habang oatuliy na kinukumpuni ang gulong. "Oh, sige aantayin kita sa loob ha." Sagot nito at bhmalik sa loob ng bahay. Tumango lamang ang asawa at nagapatuloy sa kaniyang giangawa. Magtatakip-silim na ngunit hindi pa rin tapos si Frank sa kaniyang ginagawa!habang si Scarlett namna ay tapos nang maghain ng kanilang hapunan. Tinawag nito ang dalawang anak, na noong mga oras na iyon ay na sa  kanilang mga kuwarto.Agad naman iting nagsilabas at tumungo sa kusina. Matapos silang kumain at magpahinga, ay nagtungo na ang mga ito sa kuwarto upang matulog.Agad namang pumunta si Scarlett sa kuwarto at bumati sa mga anak. "Good night mga anak."Bati nito at pinatay ang ilaw at lumabas ng kuwarto. Sumisikat na ang araw na siyang namang sumilaw sa mata ng magasawa upang magising. Agad namang bumangon si Scarlett, upang maghanda dahil ito ang araw na bibisita sila sa bahay ni lori. Ginising niya ang mga bata upang makapagahanda ng maaga at magalmusal.Handa na sila upang umalis at pumunta agad umalis upang pumaroon sa bahay ni Lori. "Hi, Jacob at Martin, kumusta kayo?". Tanong ni Lori sa mga bata habang nakangiti at sabay na niyakap ang mga ito. "Okay lang namna po kami, Tita Lori." Sagot ng panganay na anak na si Martin, habang nakangiti at kita sa kanilang mukha ang pagkasabik.Nang makapasok  sila, ay agad namang naglaro ang mga bata sa sala,habang si Scarlett at Lori naman ay na sa kusina at naguusap. " Ang bilis lumaki ng mga bata." Wika ni Lori habang tanaw ang mga bata mula sa kanilang kinaroroonan. "Oo nga, hindi ko akalain na ganoon kabilis." Gabi na at nakauwi na sila Scarlett sa kanilang bahay. Ang mga bata ay naglaro agad pagkauwi na tula bang hindi napagod sa paglalaro sa bahay ni Lori. Pinapanood niya ang kaniyang mga anak, at di niya namalayan na mga luha na palang bumagsak sa kanyang mga mata at agad naman niya itong pinunasan. "Mga anak, halina't nakahain na ang pagkain, tama na nag paglalaro." "Opo mama." Sagot nila at tumungo sa kusina at umupo. "Mama, parating na po ba si papa?" Tanong ng bunsong anak na si Jacob. "Oo, malapit na iyon pero mauna na lamang tayong kumain." Sagot nito at sinandukan ang mga anak. Habang sila ay nakaupo sa hapag-kainan at kumakain, ay may biglang bumusina  mula sa garahe at walang iba kundi si Frank. Nang marinig ito ng bunsong anak ni Jacob ay madulot ito ng saya sa kaniyang mukha. " Oh, andiyan na pala ang papa niyo." Wika ni Scarlett sa mga anak. Bumukas ang pinto at pumasok naman si Frank at inilapag ang mga gamit sa sofa at agad tumungo sa kusina. Agad din nitong binati ang mga anak at agad ding nagmano ang mga ito. Pagkatapos nito ay sabay-sabay silang kumain hanggang sila ay matapos. "Ma


"Mama,ang sarap naman po ng luto niyo, nabusog talaga ako."Wika ni Martin sa ina habnag hinahaplos ang tiyan."Siyempre, palagi namna hindi ba?"Tanong ni Scarlett habang nakangiti." Oh siya, sige umakyat na kayo sa taas at gabi na, at ikaw Frank may pasok ka pa bukas" Wika nito sa anak at asawa.Naiwan naman si Scarlett sa kusina na naghuhugas ng mga plato. Nang matapos ay agad iting umakyat. Naisipan nitong sumilip sa mga kuwarto ng anak, at ito ang nagdulot ng pagtataka sa kaniya dahil wala ang dalawang anak sa kanilang kuwarto, at ganoon din ang asawa. "Frank, Jacob, Martin nasaan ba kayo?Hindi ba't kakaakyat niyo pa lamang." Sigaw nito upang hanapin ang kaniyang magaama. Patuloy itong sumisigaw habang iniikot ang buong bahay upang hanapin ang kaniyang pamilya, ngunit kahit anong gawin niya ay wala talaga siyang makita ni isa sa mga ito. Napaupo na lamang ito sa sahig at umiiyak dahil hindi niya alam ang gagawin. Biglang bumukas ang pinto ng bahay nila at ito ay walang iba kundi si Lori. "Napagtanto mo na ba? Na hindi totoo ang lahat ng ito?" Wika ni Lori kay Scarlett. Nagtataka si Scarlett kung ano ang ibigsabihin ni Lori. "Anong sinasabi mo? Totoo ito, nawawala ang mga anak at asawa ko." Wika nito at tumayo papunta kay at hinawakan ito habang nanginginig ang mga kamay. "Tulungan mo ko, hindi ko sila makita, wala sila rito."Pagmamakaawa nito kay Lori. " Scarlett, tama na hindi ka ba napapagod? Ilang taon ka ng ganiyan. "Wika ni Lori habang bakas sa muka ang pagaalala sa kna8yang kaibigan. "Ano bang sinasabi mo?" wika nito kay Lori habang nakatingin sa mata nito  nagtataka. "Walang kang asawa, wala kang mga anak! Scarlett, matauhan ka na matagal ng patay si Frank,ang nobyo mo. " Pasigaw na tugon nito kay Scarlett na nagdulot ng paghakbang ni Scarlett paurong. Nanghina ang tuhod ni Scarlett at bumagsak sa sahig. "Tama na, wag mo nang ikulong ang sarili mo rito, at wag mo nang sisihin ang sarili mo sa pagkamatay niya." wika ni Lori. Habang naririnig ni Scarlett ang iyon, ay mas lalo itong naluha sa  sinabi niLori ,na hindi niya kasalanan na namatay ang nobyo nito na si Frank.




Laro sa Tapat ng Bahay

ni Alicia Ortega

Isang simpleng araw sa Barangay ng Kungkuru "Anni at Niki laro tayo sa tapat namin," pag aya ni Anji sa kanyang mga kaibigan. "Sige tara laro tayo" sagot ng mga kaibigan ni Anji. Habang naglalaro ang magkakaibigan, may biglang dumaang ahas sa kanilang harapan "Hala! may ahas" sabi ni Anji, "Lumayo kayo" sabi ni Niki. Pumasok sila sa bahay nila Anji dahil sa takot. "Ina, may ahas na dumaan sa harap namin habang kami'y naglalaro sa tapat! Muntik na po akong matuklaw ngunit ako'y lumayo kaya po di ako natuklaw," kwento ni Anji sa kanyang ina. "Palagi kayong mag-ingat sa tuwing kayo'y maglalaro sa tapat dahil sa malapit tayo sa gubat kaya't may mga ahas na lumalabas ng di natin inaasahan" habol na sabi ng ina. Nagpatuloy ang magkakaibigan sa paglalaro habang masayang ipinagpatuloy at naging maingat at alisto.



Si Mittens at ang kaniyang Mahiwagang Tinig

ni John Andrei Palomo

Isang araw, sa kaharian ng mga pusa, may isang munting pusa na nangangalang Mittens. Si Mittens ay iba kumpara sa mga karaniwang pusa sa kaharian. Siya ay nagtataglay ng isang kapangyarihan. Ang kaniyang malamyos na tinig ay may kakayahang magbigay-buhay sa mga bagay-bagay.

Isang araw, naglakad si Mittens sa kagubatan, at nakakita siya ng isang malungkot na puno. Tinanong ito ni Mittens, "Bakit ka malungkot, kaibigang puno?" Ang puno ay sumagot, "Malungkot ako dahil wala akong makitang mga bulaklak na kasing-ganda ng iba. Dahil sa kakayahan ni Mittens, umawit siya ng isang maiksi, ngunit masiglang kanta. Nasiyahan ang puno at nagpasalamat kay Mittens.

Naisip ni Mittens nagamitin ang kaniyang pambihirang tinig upang makatulong sa iba. Sa kaniyang paglalakad, nakakita siya ng mga hayop na humaharap sa mga suliranin. Ang isang ibon ay nawawalan ng kumpiyansang makalipad, dahil sa natamo nitong sugat. Ang isang pating naman ay natatakot sa kailaliman ng karagatan, at ang mga insektong hindi makahanap ng nektar. Natulungan ito ni Mittens sa abot ng kaniyang makakaya.

Ngunit isang gabi, nagulat ang mga tao sa kaharian. May isang nagbabadyang malakas na bagyong dumaan sa kaharian, at ang malakas na hangin ay tumangay sa boses ni Mittens. Ngunit hindi ito naging dahilan upang siya ay sumuko. Sa tulong ng kaniyang mga kaibigan sa iba't ibang kaharian kaharian na ang ibon, pating, at ang mga insekto upang makiusap sa hangin na ibalik ang tinig ni Mittens. Sa huli, nagwagi ang pagtutulungan nila upang maibalik ang pambihirang tinig ni Mittens.


Espesyal na Mundo

ni Darl Angelica Panti

Noong unang panahon, kung saan wala pang sibilisasyon sa buong kalawakan, si Haring Araw ay mayroong walong mga anak. Sina Mercury, Venus, Earth, Mars, Jupiter, Saturn, Uranus, at Neptune. Lumaking mapagmahal ang mga ito. Palagi silang binibilinan ng kanilang ama na lahat sila ay kakaiba at may sari-sariling kakayahan. Kaya't sa lahat ng oras ay magkakalapit ang magkakapatid.

Gayunpaman, hindi makakailang may inggit sa puso ang anim na magkakapatid laban kay Earth, maliban kay Jupiter.

Isang araw, ang pito ay nagkita nang wala si Earth.

"Alam niyo, sa tingin ko, lubos na pinagpala iyang si Earth," ani Venus.

"Ganoon na nga. Unti-unti, ay bakit siya lamang ang mayroong buhay na nabubuo? Samantala, heto ako't puno ng buhangin at lupa," sabi naman ni Mars.

"Alam ninyo, hindi dapat kayo nagtatanim ng sama ng loob kay Earth. Ang bawat isa sa atin, ay may natatanging katangian bilang mga planeta". Giit naman ni Jupiter na siyang panganay at ang pinakamalaking planeta sa magkakapatid.

Isang araw, nagkasundo ang anim na mga planeta na sina, Mercury, Venus, Mars, Saturn, Uranus at Neptune na kausapin ang mga bato at bulalakaw sa kalawakan upang atakihin si Earth nang mawala ang buhay na mayroon ito. At hindi nga sila nabigo. Nagkaroon nga ng malawakang pagkamatay ng mga organismong nabubuhay sa Earth.

Nalaman ni Haring Araw ang nangyari at kanyang pinatawag ang walo niyang mga anak.

"Alam ninyo mga anak, hindi tama ang inyong ginawa. Sinabi ko na naman sa inyo na espesyal kayong lahat. Hindi naman ako nagkulang ng payo at paalala sa inyo. Ngunit, dahil sa nangyari, ay parurusahan ko kayo. Kailanman, ay hindi na kayong wala magkakalapit pa. Higit sa lahat, si Earth lamang ang bibigyan ko ng sapat na mga kailangan para magkaroon ng buhay sa loob niya." Galit na saad ni Haring Araw.

Mula noon, hindi na nagkalapit pang muli ang magkakapatid na planeta. Bagaman ganoon ang nangyari, nanatili si Jupiter sa tabi ni Earth upang patuloy na saluhin at protektahan siya sa mga bulalakaw at batong pangkalawakan na pilit pa rin siyang inaatake. Ito ang dahilan kung bakit tunay na napaka-espesyal ng ating mundo. Kaya naman, nararapat na atin itong alagaan, mahalin at protektahan.


REUNION

ni Hazel Perez

Makalipas ang ilang taon muling nanumbalik kay Elma ang kayang huling taon sa kolehiyo. Mga araw na masaya ito kasama ang matalik na kaibigan na si trisha.

TAONG 2003

Masayang nag lalakad ang mag kaibigan na sila trisha at elma ng makita nila si.

Elma : Trisha! Omg diba si Luke yon? Yung crush mo nung high school?

Trisha: Huh? Hindi ha.

Elma: Girl! Nakalimutan mo na bang ako yung naging tulay niyo para maging magkaibigan kayo?

Trisha: Naku! Oo nga pero huwag na nating pag-usapan pa ang mga nakaraan.

Kasabay ng pagpalipas ng taon ay siya ring pagtatapos ng pag-aaral ng dalawa sa kolehiyo. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay malungkot ang naging tadhana ni Trisha. Dahil sa mismong unang araw ng pagtatrabaho nito ay nagkaroon ng aksidente na siyang dahilan ng pagkamatay ni Trisha sa isang car crash.

PRESENT YEAR

Elma: Hi! Pasensya kana kung ngayon lang ako ulit nakadalaw ha! Nagreready ka kasi ako para sa paparating na buwan ay manganganak na ako. (sabay tawa)

Malamig ang simoy ng hangin at nagbabadya pa ang malakas na ulan kung kayat mahigpit na niyakap ni Elma ang asawa upang maibsan ang lamig na nadarama dahil na rin sa pagbubuntis nya.

Elma: Masaya sana kung nandito ka Trisha. Ngunit hayaan mo, balang araw ay magkikita rin tayo.

Luke: Shhh! Tumigil ka nga mahal ko. halika na bago pa umulan. Pasensya ka na Trisha kung uuwi na agad kami ha? Babalik naman kami sa susunod na araw.

Umalis ang mag-asawa sa harap ng puntod ni Trisha ngunit bago iyon ay nagsindi at naglagay sila Luke at Elma ng bulaklak sa puntod ni Trisha.

Sa huli, sa labis na nalungkot at pighati si Elma sa nangyari sa matalik na kaibigan. Si Trisha ay naging sandalan ni elma at ni Luke na siyang first love ni Trisha noong high school. Naging sila ni Elma at Luke sa huli at bumuo ng pamilya.



Palakasan

ni Mariel Perez

Isang napakagwapong  binata na nangangalang Miguel ang naninirahan sa isang maliit na probinsya. Siya ay sikat sa kanilang lugar dahil sa kanyang Husay sa larangan ng kickboxing. Lubos na nahihilig si Miguel sa mga pasabog na mga laban na ipinalalabas sa telebisyon at nangarap na maging isang World Champion sa kickboxing

May 8 ,2000 alas 3:00 na hapon may napabalitang labang kickboxing na gaganapin sa kanilang bayan. Sa naturang laban siyang tinaguriang “The Juggernout ". Ang magiging katapat niya ay isang tanyag na kampeon sa kickboxing sa boung bansa si "The Juggernout" at mataas ang kanyang pwesto sa pandaigdigan.

Pumanig si miguel sa kanyang paghahanda para sa labang iyon. Noong nandoon na sila sa boxing stage, agad namang sumipa si Miguel kay Juggernaut agad naman itong natumba. Ngunit nakatayo siya ulit at gumanti kay Miguel ng sipa. Noong gumanti ang kalaban, medyo nahilo si miguel upang gantihan ang kalaban at natumba naman ang kalaban niya. Napagpasyahan ng referee na ang nanalo ay si Miguel. Ngunit  nagalit ang kalaban niya sa referee at sinabi nito sa referee na madaya ang labanan. Nag-away sila nito sa boxing stage.



Kababata
ni Nicole Pinca

Isang araw ay nagkita ang dating magkababata na sina Mara at Lloyd na dati ring nagkagustuhan sa isa’t isa. Uyy, Mara ang tagal na’ting ‘di nagkita ahh, Kamusta ka na pala! Ang sabi ni Lloyd. O ikaw pala yan ito ayos lang naman masaya sa buhay tugon ni Mara. Saan ka na pala nakatira ngayon Mara? Diyan lang sa pook singko malapit sa palengke, o sige na mauuna na ako at kailangan na itong pinabibili ni nanay. Weyt lang, ang sabi naman ni Loyd. At biglang tumakbo na si Mara pauwi sa kanilang bahay. Makalipas ang ilang araw ay hinanap ni Lloyd ang bahay nila Mara at muli silang nagkasalubungan. Mara! Oh Loyd Bakit ka pala nandito. Ha, ahh eh, wala may binili lang ako malapit dito sa palengke, Ikaw saan ka pupunta? Ahh, Pauwi na rin ako, sama ka at sumabay sa aming hapunan? Oo sige sama ako gusto ko ring makita sila Tita at Tito. Tara na, nakarating na sila sa bahay nila Mara. Inay, Itay si Lloyd po nagkita kami sa palengke kaya’t inaya ko na ring maghapunan rito. Oh Lloyd, ikaw pala yan halika at sumabay sa amin kumain, sambit ng nanay ni Mara. Habang kumakain ay nag-uusap-usap sila at matapos ang ilang oras ay uuwi na rin si Lloyd. Lloyd Ikamusta mo na lang kami sa nanay mo ha, sabi ng nanay ni Mara. Oh Lloyd, mag-iingat ka ha, sabi naman ng tatay ni Mara. Opo Tito mauuna na po ako maraming salamat ho! Sige po Tita mauuna na po ako. Sige na po ‘nay’, tay hatid ko lang sa kanto si Lloyd. Tumungo naman ang kanyang mga magulang. Hanggang dito na lang kita mahahatid Lloyd. Ahm, Mara may tanong ako may boyfriend ka na ba? Ahh, wala pa sa ngayon hindi ko muna iniisip ‘yan, at bakit mo naman natanong ha? Wala gusto ko lang malaman baka kasi may boyfriend ka na. May chance pa ba ako Mara? Mula noong magka hiwalay tayo ay inaantay ko na makita kita. Bigla namang kinilig Si Mara at namula ang kanyang pisngi. Hindi ko ma sasagot ‘yan sa ngayon dahil alam mo namang priority ko ang pamilya ko, hindi ka naman nagmamadali hindi ba? Ahh, Oo oo, handa akong hintayin ka Mara kahit gaano pa katagal. Osige na at gabi na baka kung mapano kapa d’yan. Osige na uuna na ako ingat ka Mara, kita tayo bukas. Haha, osige na, ingat bye! Bye! Sambit ni Mara habang nakangiti. 

Makalipas ang ilang buwan ng panliligaw ni Lloyd kay Mara ay naging magkasintahan na ang dalawa. Mahal kong Mara halika’t lumabas tayo at kumain, saan mo ba gustong kumain? Basta kahit saan ay ayos na’ko, gusto ko ring pumunta bsa ka ilang dagat malapit lang sa Sitio As Is at panuorin ang paglubog ng araw. Halika at dadalhin kita roon. Masayang nagkukwentuhan ang dalawa tungkol sa kanilang mga pangarap sa buhay. Makalipas lamang ang ilang oras ay agad na silang umuwi dahil maggagabi na rin. Mahal tayo na at gumagabi na baka magalit na sila tito at tita. Osige, halika na. Makalipas ang ilang linggo ay bigla na lamang  nanlamig ang pakikitungo ni Mara kay Lloyd, dahil hindi nararamdaman ni Lloyd na siya ang mahal ni Mara at hindi na nabibigyan ng oras. Isang araw ay nakita ni Mara na may kasamang ibang babae si Lloyd at ito ay hindi niya inaasahan, nilapitan niya ito. Lloyd!! Sino yang kasama mo! Mangiyak-ngiyak niyang pagkakasabi. Nagulantang si Lloyd. Mara Anong ginagawa mo rito. Ikaw anong ginagawa mo rito at sino ‘yang kasama mo! Mara, sorry magpapaliwanag ako. Niloko mo ‘ko Lloyd hindi ko akalaing magagawa mo’ yan sakin. Naluluhang sambit ni Mara. Pagkatapos ay hinila niya si Mara at iniwan ang kanyang kasama. Ayoko na Lloyd Itigil na natin to! Tapos na tayo! Ano bang ginawa kong mali ha? Sabihin mo nga, may Mali ba sa’kin ha, ano pangit ba ko? Ano sabihin mo! Hindi, Mara walang mali sayo. Ang akala ko hindi mo na ako mahal, akala ko balewala  na lang ako sayo dahil wala ka ng oras para sa akin, please Mara wag mo akong iiwan, patawarin mo ako hindi ko na uulitin ‘yun. Nagmamakaawang sambit ni Lloyd. Makalipas ang ilang araw ay hindi pa rin ito pinapansin ni Mara… Mara patawarin mo na ako, ikaw lang ang mahal ko at wala nang iba, nagkamali lang ako. Panunuyong sambit ni Lloyd. Kinalaunan lang din ay napatawad rin ito ni Mara at nangako rin si Lloyd na hindi na niya ito uulitin. Sa huli ay naging masaya ang pagsasama nila dahil natuto sila kung paano makuntento at mahalin ang isa’t isa.



Ang Mahiwagang Bulaklak

ni John Paul Purisima

Noong unang panahon,may Isang matandang babae na may magandang hardin ng mga bulaklak sa tabi nang lawa. Lumapit ang matandang babae sa mga mangingisdang naninirahan sa kalapit na baryo. Madalas na bumibisita ang mga mangingisda at ang kani-kanilang pamilya upang mag bigay ng isda kapalit ng ilang maganda at mababangong bulaklak mula sa Hardin ng mga Bulaklak.

Naniniwala ang mga mangingisda na mayroon angking kapangyarihan ang matandang babae dahil palaging nagliliwanag ang kapaligiran. May kasamang magandang babae at duwendeng tumutulong sa pagaalaga ng tanim. Sinubukan nilang tanungin ang matanda ngunit sinabi ng matanda na wala siyang kasama.

Isang araw ay may isang mag-asawang bumisita sa baryo at nakita nila ang magandang hardin. Pumasok sila at pumitas ng bulaklak nang walang pahintulot. Nakita sila ng matanda at pinakiusapang umalis ngunit ipinagkatuwaan lamang dahil sa pangit nitong anyo.

Dahil sa kalapastanganan ng dalawa, ginawa sila ng magandang kulisap. Noon din ay nag bago na ang anyo ng dalawa at naging paru-paro. Nakita ng taong bayan na may aalig-aligid sa bulaklak.

GRADUATION
ni Joan Rabo

July 11, 2023, ito ang araw na aking pinakahihintay sa lahat dahil special ang araw na ito para sa pamilya ko. Dahil ito ang araw ng aking pagtatapos sa Junior High at ito rin ang araw na gusto kong makasama si papa. Wala nang mapaglagyan ang aking tuwa. Habang palapit ng palapit ang aking Graduation ni request ko kay ate na baka pwede si papa na lang ang sumama sakin sa pag akyat ng stage. Gusto ko rin na maging proud si papa  at gustong makita sa kanyang mga mata ang saya. Tatlong araw na lang ay graduation na. Muli kong kinausap si ate tungkol sa kay papa Tinawagan nya ito sa telepono at ito ang pangalawang beses naming pag uusap. Sinabi sakin ni papa na tulungan ko raw si mama na iahon sa hirap ng buhay. Habang sinasabi sakin ni papa yon  ay hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko. Dumating na ang pagtatapos ko ng Junior High. Ito ang araw kung saan sobrang saya ko at ito rin ang unang beses na makakasama ko si papa sa entablado. Sobrang saya ko na inaayusan pa lamang ako ay diko na maitago ang saya habang naglalakad kami papasok ng school. Nakita ko yung mga kaklase ko na kasama nila ang kanilang tatay at nanay. Pero yung saya na meron ako ay napalitan ng lungkot dahil hindi dumating si papa sa araw ng graduation ko. Hanggang sa tinawag na ang aking pangalan ngunit hindi siya dumating. Tanging si ate lamang ang aking nakasama sa araw na iyon. 




Ang katibayan ng pag-ibig
ni Jordaine Rodino

May dalawang nag kasintahan na sina Laura at Blake. Magka sundo ito sa lahat ng bagay, madalang kung mag away ang dalawang ito, napaka-perpekto na ng relasyon nila sa totoo sino, subalit isang araw nag bago ang lahat ng ito ng dahil sa isang hindi inaasahang pagkakamali. Sinubukan itong ayusin ni Laura dahil ang tanging gusto lamang niya ay ang mabalik lahat sa dati, ngunit kabaliktaran ang nais ni Blake, dahil labis siyang nagsisisi sa kanyang nagawa dahil alam niyang hindi nararapat na naramdaman o maranasan ni Laura ang ganoong bagay, hindi nya mapatawad ang sarili niya, gaya ganoon na lamang ang pag tanggi niya sa nais ni Laura, ngunit hindi ito sinukuan ni Laura, patuloy nitong pilit inaayos ang kanilang relasyon. Masakit para sa kaniya ngunit napatawad niya si Blake at dahil mas lamang din ang pag mamahal nito kaya ganoon na lamang kung ipilit niya ang kagustuhan niya. Hanggang sa isang araw nakapag isip ito ng maayos at nirespeto ang kagustuhan ni Blake kaya naman parehas silang nag pahinga.
Makalipas ang ilang buwan ay muli silang nagkaayos at sa pagkakataong iyon ay mas maayos at mas matatag na ang pagsasama at relasyon nilang dalawa.



ANG LIHIM NI SHA

ni Maricel Rollan


Sa isang maliit na bayan, may nakatirang isang pambihirang babae na nangangalang Sha. Nagsimula ito ng mapansin ng mag-asawang Tatay Renzo at Nanay Aurora ang ibang ikinikilos ng kanilang anak. Habang naglalaba si Nanay Aurora at nagluluto si tatay Renzo, biglang may sumabog na bumulaga kay Nanay Aurora dahilan para mapatayo siya, habang sinugod naman ni tatay Renzo ang kaniyang anak na naglalaro sa buhangin. Nagulat ang mag-asawa nang makitang nakatingin lamang ang kanilang anak sa isang bagay  bago ito biglang sumabog. Sumigaw si Nanay Aurora,“Anak!” at dali-daling nilapitan ng mag-asawa ang kanilang anak. Sinabihan ni tatayRenzo si Sha na pumasok sa loob, mahinahon ngunit may bahid ng kaba, “Anak, nasaktan ka ba?” Nag-aalalang tanong ni Nanay Aurora, “Hindi, Ina, napakalakas ng aking isipan na kaya kong sirain ang anumang naisin ko.” Pagsasabi niya na may galak. Nang marinig ito ng mag-asawa ay hindi maipinta ang mukha na may halong kaba, at pagkagulat sa nangyari. Nagsalita si Nanay Aurora “Anak, huwag mong gawin ang lahat ng gusto mo. Dapat mo ring isaalang-alang kung ito ay mabuti o masama.” Habang sinasabi niya na may pag-aalala kay sha, patawad Ina, sa aking ginawa pagkasabi ni sha na humihingi ng kapatawaran sa kaniyang ginawa. Niyakap ng mag-asawa si sha na may ngiti sa mga labi.



Ang Pagsulong ni Mia

ni Zion Ray Ruiz

Sa Isang maliit na silid sa eskwelahan, papalapit na ang pasko, haroon si Mia. Siya ay isang batang babae na puno nga pangarap, ngunit siya ay may kakulangan sa kumpiyansa. Bawat pagtingin sa piano'y may takot at pangamon sa kaniyang mga mata.

Nagbigay hamon sakaniya ang pagsama niya sa isang piyestang musikal ng paaralan. Ang piyestang ito ay pagkakataon na makita ng lahat ang kaniyang talento. Ngunit a Mia, sa kakala ng kaniyang galing, ay takot siyang magkamali at mapagtawanan ng mga tao. Para sa kaniya, ang kaniyang sarili ay hindi karapat-dapat na estudyante sa musika.

Nang dumating ang araw ng piyesta, kana kabahan si Mia. Ngunit sa harap ng plano, nagbukas ng pinto si G. Rodriguez, ang kaniyang guro sa musika. Binigyan niya ng inspirasyon at tiwala si Mia. "Mia, isa kang mahusay na pianista, sabi ni G. Rodriguez, "Huwag mong kalimutan ang mga oras na nagtiwala ako σα iyong kakayahan.". Naalala ni Mia ang lahat ng mga oras na sila'y nag-ensayo, at naging bukas muli ang pintuan para sa kaniyang kumpiyansa. Nagsimula si lia na magtanghal. Ipinamalas niya ang kaniyang galing at puso gamit ang musika. Natuklasan niya ang lakas ng loob nom va kinakailangan niya upang tuparin ang kanyang mga pangarap.



SINADYA KO SIYANG PAKASALAN

ni Princess Collin Sudo


"Ako magpapakasal? tila nahihibang na ba kayo, wag niyo nga po akong binibiro ng maaga." Natatawang sabi ng dalaga sakanyang mga magulang, lumapit sakanya ang kaniyang ina saka hinawi ang kaniyang buhok, dun pa lang ay nabatid na ng dalaga na hindi nagbibiro ang kaniyang mga magulang, umalis siya at bumalik sakanyang kwarto. Naupo ang dalaga sa gilid ng kaniyang kama ng biglang may tumawag sakanya. Si Davina Feliz Dizon ang anak ng magasawang sina Divina at Ferdinand, kolehiyala at nasa unang taon sa kolehiyo ang dalaga.

"Magpapakasal na po ako." Sabi ng dalaga nagliwanag ang mga mata at hindi mawala ang mga ngiti ng kaniyang mga magulang na tila'y nanalo sa lotto, "Anong nagpabago sa iyong isip? Ay-hindi na iyon mahalaga, ang importante ay pumayag kana." Masayang sabi ng kaniyang ina. Ilang lingo lang din ay naganap na ang lihim na kasalan. Nang may tumawag kay Davina ay nagpakilala itong mapapangasawa niya, nagkita sila at nagusap ng mga kondisyon at pumayag si Davina sa mga iyon. Ilang araw makalipas ay nalaman iyon ng kaniyang matalik na kaibigan "Talaga? Grabe ka Lizzie, sa principal talaga natin?" tila nahihibang na sabi ng kaniyang kaibigan, tinapik ni Davina ang kaniyang kaibigan at hinila niya ito para maupo, "shhhh! Ginagawa ko toh para kay ken, hindi ako nawawalan ng pagasang babalikan niya ako." Napangiti si Davina at hinampas siya ng kaniyang kaibigan dahil para na siyang nahihibang "Aray ko ah!" daing ni Davina ngunit nakangiti pa din. Si Ken ay ang kaibigan ni Davina na lihim niyang hinahangaan. "Oh bat nagkakagulo dun?" tanong ni Davina, "Balita ko umuwi daw yung apo ng Principal at ang girlfriend nitong supermodel.

Nabunggo ng hindi kilalang lalaki si Davina "Aray!!! k-ken?" halos maiyak na sabi ni Davina bago mawalan ng malay, "miss? Miss?" paggising ng hindi kilalang lalaki. Nang magising si Davina ay niyakap niya ang lalaki, nagulat ang lalaki at hindi nakakibo, "Ken, bumalik ka... nagbalik ka!" masaya at halos maiyak na sabi ni Davina. "Excuse me, miss but can you not touch my boyfriend?!" iritableng sabi nito. "nicole please, you look fine, I'm sorry miss, yeah my name is ken but I don't know you." Ngumiti si Davina at sumenyas na umalis na ang lalaki, nang makalabas ang lalaki ay bumuhos ang luha na pinigilan ng dalaga dahil nakasisiguro siyang si ken iyon ngunit hindi siya maalala, ano nga ba ang naganap. Nang umalis ng bansa si Ken ay naaksidente ito at nawala ang alaala.

Ilang araw pa ay ipinatawag si Davina sa bahay ng kaniyang asawa, hindi niya maintindihan kung bakit ngunit nagpunta pa din siya. Isang pamilyar na lalaki at babae ang bumungad sakanya, ngunit hindi niya ito pinansin at dumiretso lang papasok sa mansion. "Nakilala mo na ang aking apo?" tanong ni Mr. Saabedra, "apo?" takang tanong ng dalaga, "Love, laro pa tayo." Pagyayaya ng babae sa binata. "tama na, Nicole nandito si lolo oh." Sabi ng lalaki. "Kenneth hijo, hali ka.." pagtawag ni Mr. Saabedra. "si Davina Feliz Dizon, apo ng ng kaibigan ng ating pamilya." Pagpapakilala ni Mr. Saabedra, lumapit ang binata at nakipag kamay sinubukan pa itong pigilan ng kaniyang girlfriend niya. "siya nga pala ang iyong asawa." Sumigaw ang girlfriend ng binata saka umalis sinubukang habulin ng binata ngunit hindi niya na kaya pang pigilan at magpanggap na hindi kilala si Davina at naupo sa tabi ng dalaga at niyakap ito, "patawarin mo ako." Naiyak ang dalaga at ilang linggo lang ay formal na silang nagpakasal.


Paubaya

ni Lavinia Tolentino

Mayroong magkasintahan, si Princes at Ivan. Maganda ang takbo ng relasyon nila ngunit sa hindi inaasahan, nagbago ang lahat nang bumalik si Athena sa mundo ni Ivan. Kinausap ng ina ni Athena si Ivan upang balikan si Athen. Ito na lamang kasi ang naiisip nilang paraan upang pumayag pang magpagamot si Athena, may sakit ito sa puso at ayaw nang mag paopera pa. Nalaman ito ni Princess kaya pinili niyang layuan si Ivan, ayaw pumayag ni Ivan dahil si Princess ang mahal niya. Ngunit kinausap siya ni Princess. Kung ito na lamang daw ang paraan upang ipagpatuloy ni Athena ang kanyang buhay, handa si Princess na magpaubaya. Makalipas ang 35 na taon, nalaman ni Ivan na may sakit din pala si Princess sa puso, ngunit inilihim niya ito kay Ivan upang manitili siya kay Athena.


Ang Matanda
ni Marl Lawrenz Villamor

Sa isang gubat kung saan naninirahan ang isang matandang nagngangalang Abe. Siya ay matanda na mag isang naninirahan sa gubat, siya ay 69 taong gulang na ngunit malakas pa ang pangangatawan. May dalawang mag asawang nag ngangalang Kris at Tes ang napadpad sa tirahan ng matanda. Ang mag asawang iyon ay nag dodokumentaryo. Nakita nila ang matanda at kinausap nila ito, tinanong nila ang matanda “Nay, ilang taon na po kayo dito sa gubat?”  Sagot ng matanda “Matagal na ako rito halos taon na ako dito” “Ahh ganun po ba nay?

“Na, ano po ang inyong kinakain dito sa gubat?” tanong ni Tes. “Ang kinakain ko rito ay ang tanim kong gulay sa likod ng aking bahay.” Sagot ni Aling Abe. Mag didilim na kaya napagpasyahan na umuwi na ang mag-asawa. Pero bago sila umuwi ay sinilip muna nila ang likod ng bahay kung ano ang tanim ni nanay. Bumungad sa kanila na walang tanim na kahit ano sa likuran ng bahay nito at ang nakita lang nila ay mga damit na puro dugo kaya sila ay nagulat at agad-agad na umalis sa gubat na iyon. Nang sila ay paalis na may narinig silang tunog na hindi nila alam kung saan nanggagaling kaya’t tumakbo sila, laking gulat nila na nag-aabang sa kanila ang matanda. Tanong ng matanda “Saan kayo pupunta?” Sagot ng mag asawa, “Uuwi na po, Nay. Maggagabi na kasi,” biglang naging oso ang matanda at nagulat sila, pinagkakagat sila ng oso. Kinain ng matanda ang mag-asawa, walang itinira maski isang buto. Ang damit ng mag asawa ay inilagay sa likod ng kaniyang bahay. Ang akala ng mag asawa ay gulay ang kinakain nito, ayun pala ay tao.


No comments:

Post a Comment

𝑴𝑨𝑰𝑲𝑳𝑰𝑵𝑮 𝑲𝑼𝑾𝑬𝑵𝑻𝑶

  Alinlangan ni Athena Nicole Ablang May isang magandang babaeng mag-aaral ng GMATHS na nagngangalang Mira, Isang araw, ina ya siya ng kaniy...