Friday 12 January 2024

๐‘ฉ๐‘ฐ๐‘ถ๐‘ต๐‘ถ๐‘ป๐‘ฌ ๐‘จ๐‘ป ๐‘ฒ๐‘จ๐‘น๐‘จ๐‘ต๐‘จ๐‘บ๐‘จ๐‘ต



Si John Lloyd Babaran o kilala bilang "Kuya JL" ay ipinanganak noong ika - 25 ng Nobyembre. Siya ay may kahiligan sa pag lalaro ng online games at panonood ng iba't-ibang anime. Siya ngayon ay kasalukuyang nasa antas labing dalawa (12) ng Pahimis sa General Mariano Alvarez Technical High School. Siya ay kilala sa kanilang pangkat sa pagiging tahimik at mabait.

- John Lloyd Babaran

 

Si Binibining Jillian F. Calventos kilala bilang "Jill"  na may hilig sa pag kanta at bunso sa pitong magkakapatid ay ipinanganak noong ikaw dalawampu't lima (25) ng Pebrero, taong dalawang libo’t anim (2006), sa probinsiya ng Cavite. Siya ay labing pitong taong gulang na kasalukuyang naninirahan sa bayan ng General Mariano Alvarez Cavite. Siya ay nag tapos ng Elementarya sa San Gabriel 1 Elementary School at naparangalan bilang huwarang mag-aaral dahil sa kaniyang sipag at tiyaga sa pag-aaraL. Nagtapos siya ng Junior High School sa General Mariano Alvarez Technical Highschool at kasalukuyang nasa ika labindalawang sa Senior Highschool sa General Mariano Alvarez Technical High School. Siya'y nakatanggap ng tansong medalya noong taong dalawang libo dalawampu't tatlo (2023) dahil siya ay may karangalan noong ika labing isang panuruan ng Senior High School.

- Jillian Calventos


Si Eunice Marian A.Cenon ay ipinanganak noong Hulyo 11, 2006. Siya ay mahilig manood ng mga drama at mahilig din siya magluto at makinig ng mga musika. Siya ay mabait,  mahiyain, at makulit kapag nakasama mo. Siya ay kilala sa pangalang Eunice. Noong siya ay nasa ika-11 baitang, nakakuha siya ng karangalan sa mataas na paaralan ng General Mariano Alvarez Technical High School. Si Eunice ay hindi kabilang sa anumang organisasyon sa kanilang paaralan dahil siya ay nakapokus lamang sa kanyang pagaaral. Pangarap niya na maging isang Pharmacist at Teacher balang araw.

- Eunice Marian Cenon


  Si Mary Grace Dilag ay ipinanganak noong Pebrero 23 taong 1995. Likas na sakaniya ang talento pagdating sa pagluluto ng ano mang uri ng putahe o lutuin. Paborito niyang libangan o ang nakasanayan niya na ring gawin ay ang pagkanta. Wala siyang sinalihang organisasyon ngunit isa naman siyang responsableng opisyales sakanilang klasrum kung saan isa siya ang tagapag-ingat ng yaman. Nagtapos siya sa ikalabing isang baitang na may karangalan at nagawarang makakalikasan sa mataas na paaralang General Mariano Alvarez Technical High School. Siya ay kilala sa tawag na "Ate Gheng". Si Mary Grace Dilag ay kilala ng ibang tao maging ng kaniyang mga kamag aral bilang masipag, mabait at mapagmahal na tao.

- Mary Grace Dilag


Ika-26 noong buwan ng Nobyembre taong 2006, ipinanganak sa Dasmariรฑas, Cavite si Lei Rean K. Floralde o mas kilala bilang "Lei". Siya ay pangatlo sa apat na magkakapatid at kasalukuyang nasa ika-12 na baitang sa ilalim ng academic strand na Humanities and Social Sciences (HUMSS). Bata pa lamang ay mahilig na magbasa siyang magbasa. Dahil maaga niya itong natutunan, maaga rin siyang nagsimulang pumasok sa paaralan. Sa kabila ng kahiligan sa pagbasa, mahilig rin itong maglaro noong bata ito. Nasa ikatlong baitang siya noong siya'y nabilang sa mga mag-aaralna may karangalan. Simula noon, patuloy niyang tinatapos ang bawat taong panuruan nang may karangalan. Siya ay masiyahing bata at palakaibigan. Sa kaniyang huling taon sa General Mariano Alvarez Technical High School (GMATHS), siya ang naihalal presidente sa kanilang seksyon (Pahimis) ay sa organisasyong Dalumat. Noong nakaraang markahan lamang, siya'y naparangalan bilang isa sa mga mag-aaral na may mataas na karangalan. Pangarap niyang maging matagumpay sa hinaharap kung kaya't kaniyang pinagbubutihan ang pag-aaral sa kasalukuyan.

-Lei Rean Floralde


Si Binibining Lea Gumalal o mas kilala bilang "Ley" o "Yang" ay ipinanganak noong ika walo ng agosto taong dalawang libo't lima (2005) sa Novaliches Quezon City. Siya rin ay kinikilala bilang isang magaling na mananayaw. Bukod sa pagsayaw, kinahihiligan niya rin ang pag kanta at pag guhit. Siya ay kasalukuyang nag aaral sa paaralang General Mariano Alvarez Technical High school (GMATHS) at kasalukuyan ring magtatapos sa ika-labing dalawang panuruan ng Senior High School. Siya'y nakatanggap ng tansong medalya noong ika-labing isang panuruan sa Senior High School. Siya ay may karangalan dahil sa kaniyang pagsusumikap sa pag-aaral. Siya ngayon ay patuloy na nag susumikap na makapag tapos ng pag-aaral sa kadahilanang nais niyang makamit kaniyang ambisyon na maging isang ganap na pulis.

-Lea Gumalal


Noong ika-24 ng Oktubre, taong 2005, isinilang ang masiyahin at masipag na babae na si Trixie Abayon Murillo. Nakatira siya sa lungsod ng Cavite sa bayan ng General Mariano Alvarez. Siya ay pangalawa sa magkakapatid. Tinatawag rin siyang "Tin". Siya ay mahilig magdrawing at lahat ng tungkol sa mga sining ay gusto niya. Hilig niya rin ang makinig sa musika at magbasa ng mga nobela. Noong siya ay nasa ika-labing isang baitang, siya ay nakakuha ng karangalan sa paaralan ng General Mariano Alvarez Technical High School (GMATHS). Ngayon ay kasalukuyan siyang nag-aaral ng Humanities and Social Sciences (HUMSS) sa akademik track ng Senior High School sa GMATHS. Siya ay nasa ikalabing-dalawang baitang na ng panuruan. Balang araw, gusto niyang maging matagumpay na Psychologist o Guro. Ninanais niya ring pumasyal sa iba't-ibang lugar sa mundo kasama ang kanyang mga mahal sa buhay. Ang makapag-aral sa kolehiyo at makapag tapos ng pag-aaral ang isa sa kanyang mga mithiin. Dahil naniniwala siya na edukasyon lamang ang tanging regalo niya sa kanyang mga magulang bilang kapalit ng kanilang pagsusumikap at pagtataguyod sa kaniyang pag-aaral. Mula sa patnubay ng Diyos at pagtitiwala ng kanyang mga magulang ay tiyak na maaabot niya ang alapaap na kaninag pangarap.

- Trixie Murillo


Si Javern Argie C. Perez ay pinanganak noong Hulyo 26 2005.Siya ay nagkamit ng parangal simula baitang 1 hanggang baitang 4 noong siya ay nasa elementarya. Ngayon, isa siyang ganap na tagapalakpak na lamang. Nag-aaral siya ngayon sa General Mariano Alvalrez Technical High School (GMATHS). Ang hilig nya ay manood ng teleserye, makinig ng musika buong araw, at maglaro ng online games. Siya ay kilala bilang makulit na estudyante na minsan ay tahimik. Siya ay kilala bilang Javern, Vern,, at minsan ay Argie na magulang niya lamang ang tumatawag sakaniya. Nais niya na maging isang pulis kapag siya'y nagtapos ng pag-aaral. Pangarap niya na tumulong sa kaniyang kapwa at bansa.

- Javern Argie Perez




"Sa aking pag sulat ng maikling kwento'y tila ba meron akong hindi maipaliwanag na naramdaman. Nalilito sapagkat hindi alam paano sisimulan, nagtataka kung saan bubunot ng panibagong eksena at paano papaikliin ang isang kwento na alam ko ay mahaba. Ngunit sa kabila nito, sa kabila ng pagkalito, ako ay natuto kung saan sisimulan at paano tatapusin ang isang mahabang kuwento patungo sa maikling kwento na aking nagawa."

 - John Lloyd Babaran


"Sa pagsusulat ko ng aking maikling kwento ay labis akong nahirapan  dahil sa dami ng ideyang pumapasok sa isip ko at hindi ko alam kung paano ko ito sisimulan. Isa pa, nangangamba ako na baka hindi maging maganda ang aking gawa dahil nang matapos kong mabasa ang gawa ng aking mga kaklase ay kinuwestyon ko ang aking kakayahan sa pagsulat ng kwento at napatanong ako, 'Magiging ganyan  kaganda  din kaya ang maikling kwento ko?' Kaya naman kinalma ko muna ang aking isipan para makapagisip nang maayos at makagawa ng magandang maikling kwento. Hindi nga ako nagkamali dahil matapos kong ikalma ang aking isipan ay nakagawa ako ng maayos na maikling kwento. Hindi man kagandahan pero masisiguro ko naman na mapupukaw nito ang isipan ng mambabasa. Napagtanto ko na mainam pala na payapa ang iyong isipan kapag may ginagawa ka para  maging maayos at hindi maging magulo ang iyong ginagawa." 

- Eunice Marian Cenon


"Isa sa mga panitikan na aking naisulat ang maikling kwento, nadalian ako at nasiyahan sa paggawa nito, dahil malaya akong naisulat lahat ng nais ko, lahat ng nasa aking haraya at ang mga nais ko pang makamit sa aking buhay. Habang isinusulat ko ang maikling kwento ay marami akong naranasan, hindi ko man masabing naging malikhain ako ngunit ang layo ng narating ng aking imahinasyon at mas nabigyan ng buhay ang aking kwento. Napagtanto ko na isa ang maikling kwento sa pinaka magandang panitikan na naisulat ko at isa rin ito sa madaling maisulat kung saan ang nilalaman lamang nito ay ang lahat ng nasa haraya ko at maari ko pa itong matapos sa isang upuan lamang. Higit sa lahat, ito ang aking karanasan."

- Mary Grace Dilag


"Sa pagsulat ng maikling kuwento, kuwentong pambata na ang agad kong inisip dahil interesado akong gumawa ng bagay na sa tingin ko noong una ay "simple" lamang. Ngunit sa aking pagdiskubre, mahirap ito. Sa kabuoan, mahirap ang pagbuo ng kwento o istorya lalo na kung maraming ideyang naiisip ngunit hindi alam kung papaanong ilalagay sa kuwento. Sa paggamit at pagiisip ng tema kung saan iikot ang aking istorya, unti-unti kong nabuo ang istorya. Masaya kong magawa ito at naiisip na maaari ko itong ibahagi sa mga bata at ituro ang gintong aral ng istorya. Sa pagsulat ng maikling kuwento, natutunan ko na ang pagsulat ay mahirap. Ngunit mahirap man, ito ay labis na nakakatuwang gawin. Kung sa ingles, masasabi kong ito ay 'fulfilling'."

- Lei Rean Floralde


"Sa pagsulat ko ng maikling kuwento, ako'y nahirapan dahil maraming ideya ang pumasok sa aking isipan na lubos na magaganda. Hindi ko alam kung paano ito pagtatagpiin, kung paano ko ito sisimulan, at kung paano ito magtatapos. Sa dami ng aking iniisip ay hindi ko na napagtanto na nalimutan ko na ang ilang magagandang ideya na aking naisip. Ako'y nahirapan noong akoy sumusulat na. Nalungkot ako sa kinalabasan ng aking gawa dahil iniisip ko na kung sana ay maayos kong nagawa ang aking akda at nagpokus sa paggawa nito ay magiging maganda ang kakalabasan nito."

- Trixie Murillo



No comments:

Post a Comment

๐‘ด๐‘จ๐‘ฐ๐‘ฒ๐‘ณ๐‘ฐ๐‘ต๐‘ฎ ๐‘ฒ๐‘ผ๐‘พ๐‘ฌ๐‘ต๐‘ป๐‘ถ

  Alinlangan ni Athena Nicole Ablang May isang magandang babaeng mag-aaral ng GMATHS na nagngangalang Mira, Isang araw, ina ya siya ng kaniy...